Panganay ni Kylie Padilla na si Alas Joaquin, nagdiwang ng kanyang ikaapat na kaarawan

Oh, kay bilis naman ng panahon! Parang kailan lamang nang nakikita pa natin si Kylie Padilla sa TV habang ginagampanan niya ang karakter na si Amihan sa teleseryeng “Encantadia” pero ngayon ay isa na siyang Mommy sa dalawang anak.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Kinikilala si Kylie bilang isa sa mga sikat na aktres dahil sa kanyang kahusayan at kagalingan sa pag-arte. Bukod dito namana rin ng aktres ang good looks ng mga magulang na sina Robin Padilla at Liezl Siangco.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

August 4 ngayong taon nang ipinagdiwang ng panganay na anak ni Kylie na si Alas Joaquin ang kanyang kaarawan. Bilang selebrasyon sa birthday ng anak ay nagkaroon ng simpleng handaan sa sarili nilang bahay kung saan ay nagkaroon ng temang dinosaur ang party.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Ibinahagi rin ni Kylie ang mga larawang kuha niya sa mismong espesyal na araw ng panganay sa kanyang Instagram account. Ayon sa celebrity mom ay plano umano nilang mag-camping pero dahil sa ECQ ay mas pinili na lamang nilang manatili sa bahay at magkaroon ng simpleng party.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

“The original plan was to go camping but since we’re transitioning into ECQ once again I decided to celebrate Alas’s birthday here at home. Masaya parin naman, this home is filled with love for him.”

“Happy happy birthday my panganay. We love you so so much🦖,” sweet na mensahe ni Kylie para sa anak na si Alas Joaquin.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Dagdag din ng aktres, “Sometimes it’s the simplest things that matter 🦖.”

Marami namang nagpaabot ng pagbati para kay Alas Joaquin sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento sa mismong post ng kanyang Mommy Kylie. Iilan sa mga ito ay kapwa celebrities at karamihan naman sa mga ito ay galing sa kanyang fans.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

“Happy Birthday alas!!!😍😍😍,” pagbati ni Momshie Karla Estrada.

“Happy birthday Alas!!! 😍” Sabi naman ni Andrea Torres.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Bukod dito ay nagbahagi rin si Kylie ng isang larawan ng anak kung saan ay makikitang nakatakip si Alas sa kanyang bibig. Nag-iwan naman ng makabuluhang mensahe ang kanyang Mommy na labis na nagpasalamat dahil ang kanyang panganay umano ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na kilalanin ang “better version” ni Kylie— ang pagiging ina.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

“To the boy who made me mama. To the boy that changed my life. To the boy that gave me purpose and opened up my heart. To the boy who introduced me to a better version of me. Mahal kita kuya. Happy 4th birthday. 🦖