Panganay ni Neri Miranda na si Miggy, may sarili nang condo sa edad na 5!

Hindi batayan ang edad sa mundo ng business at pinatunayan ito ng panganay na anak ni Neri Naig at Chito Miranda na si Miggy dahil sa napakamurang edad, owner na siya ng isang maganda at mamahaling condo.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Maliban sa pagturo ng mga magulang sa kani-kanilang mga anak ng alphabet, pagbilang ng numbers, at pagbabasa, importante rin para sa mga bata ang pagkakaroon ng kaalaman sa usapang pinansyal kaya naman kahit limang taong gulang pa lamang ang panganay na anak ni Neri at Chito Miranda na si Miggy, tinuturuan na ito ng aktres kung pagalawin ang sariling pera nito.

Bago pa man sila ikasal ng “Parokya Ni Edgar” frontman na si Chito at maging isang celebrity Momshie, kilala at hinahangaan na talaga ng nakararami si Neri dahil sa kakayahan niya sa pagma-manage ng business. At dahil kumikita na ng sariling pera mula sa endorsements ang panganay ng couple, talagang sinusuguro ni Neri na mapupunta sa makabuluhang bagay ang pera ni Miggy.

Sa Instagram, proud na ibinahagi ng 36 taong gulang na aktres na may sarili ng condo si Miggy sa Quezon City!

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Since may mga endorsements na si Miggy, inipon ko ang money nya para makapag invest at mapagkakitaan pa rin. Para habang bata pa, may negosyo na siya. Tuturuan namin ang mga bata na maging financially literate,” pahayag ni Neri.

Dagdag pa ng aktres, “I think ayun ang dapat matutunan nating lahat kahit nung bata pa lang tayo eh. Pero it’s not too late sa atin kahit anong edad pa tayo. Ang mahalaga, nagsisimula na tayo. ❤”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Ang condo umano ang pinakaunang investment ni Miggy. Pagkukuwento pa ng aktres, inabutan lang umano siya ng flyer sa SM The Block ilang taon na ang nakakalipas at dahil sa mga endorsement na natatanggap ng panganay, nagawa umano nilang mabayaran ng buo ang condo. Sa ngayon, plano ni Neri na pa-rentahan ito para patuloy umano ang pagpasok ng pera na diretso naman daw sa mismong bank account ni Miggy.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Dahil sa pagiging wise na Momshie, hindi napigilan ng fans at followers ni Neri sa Instagram na makaramdam ng paghanga para sa kanya. Talagang alam na alam ng aktres kung saan mag-iinvest at kung paano pagalawin ang pera ng anak.

Congratulations, Neri at Miggy!