Marami ang nagrequest sa bida/ kontrabida actress na si Maja Salvador na gumawa ng vlog kung saan pina-prank niya ang kanyang mga kaibigan. Dahil dito, agad niyang pinagbigyan ang mga fans at gumawa ng vlog na “Prank calling my friends” upang alamin ang magiging reaksyon ng kanyang mga kaibigan.
Credit: @iammajasalvador Instagram
Sa nasabing vlog, ipinaliwanag ni Maja na isa-isa niyang tatawagan ang mga kaibigan at magkukunwaring engaged na sila ng nobyong si Rambo Nuñez at imbitado ang mga ito sa biglaan nilang pagpapakasal.
Ang iba namang kaibigan ay sasabihan niyang break na sila at mayroon siyang malaking utang kay Rambo na kailangang bayaran.
Credit: @iammajasalvador Instagram
Una niyang tinawagan si Jake Ejercito na kanyang kumpare sa anak nitong si Ellie. Pumayag man si Jake na tulungan si Maja kailangan nitong bayaran kay Rambo pero inamin ni Jake na nakakakutob siyang prank lamang ito. Inamin ni Maja na pinaprank lamang niya ang kaibigan at sinabihan itong huwag muna ipagsabi ang ginagawa niyang pagpaprank.
Bukod kay Jake ay kabilang sa kanyang tinawagan sina Kakai Bautista, ang kanyang Ate Luchi, si Enchong Dee na kasalukuyang kasama si Joshua Garcia na isa din sa plano niyang iprank, ang make-up artist na si Denise Ochoa, John Lloyd Cruz at Alex Gonzaga.
Lahat ay naniwala at excited na siya’y ikakasal na ngunit nauwi sa tawanan na may halong nakakatawang reaksyon ng pagkainis nang malamang prank lamang ito.
Credit: @iammajasalvador Instagram
Katulad naman kay Jake ang ginawang prank ni Maja kay Thou Reyes na seryosong nakikinig at nagpapayo sa kanya. Handa pa itong siya ay pautangin ng 2 million pesos upang tumulong malutas ang kanyang problema. Sa huli ay natawa na lamang ito nang aminin ni Maja na prank lamang ito.
Credit: @iammajasalvador Instagram
Ganundin sana ang gagawin niyang prank kay Aiko Melendez na agad nagsabing, “Anu ‘to? Prank ba’to?” nang sabihin ni Maja na mangungutang siya dito.
Natawa na lamang si Maja sa kanyang pagkabigong ma-prank si Aiko sabay sabing, “Prank failed, hindi mo maiisahan ang Aiko Melendez, guys.”
Credit: Maja Salvador YouTube
Isang nakakatuwang video ang kinalabasan ng nasabing vlog na kinaaliwan ng mga netizen.
“At least alam ko love na love ako ng mga friends ko,” masayang sinabi ni Maja sa pagtatapos ng nasabing vlog.