Bumuhos ang pagbati para sa magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo mula sa kanilang mga tagahanga matapos nilang kumpirmahin na hindi lamang sila soon-to-be-married couple kundi ay magiging magulang na rin sila sa kanilang unang anak.
Credit: Jennylyn Mercado YouTube
Kamakailan lamang, sunod-sunod ang magagandang balita na ibinahagi ng longtime celebrity couple sa kanilang napakaraming tagahanga.
Una na rito ay ang kanilang engagement na ipinasilip naman ni Jennylyn sa kanyang YouTube channel. Mapapanood sa video na ibinahagi ni Jennylyn na sa bahay lamang nangyari ang romantic proposal sa kanya ng aktor at ito ay dahil umano sa kanyang maselang kalagayan ngayon.
At sa pinakabago at eksklusibong panayam ng celebrity couple kasama ang reporter na si Nelson Canlas para sa programang “24 Oras”, dito na nila masayang ibinalita at kinumpirma ang matagal-tagal na ngang haka-haka ng marami na nagdadalang-tao si Jennylyn.
Ngayon lamang napagdesisyunan nina Jennylyn at Dennis na ibahagi sa lahat na magkakaanak na sila ngunit dalawang buwan na pala ang nakalipas mula nang malaman nila ang tungkol sa kanilang pagbubuntis.
Sa kasagsagan umano ng lock-in taping ni Jennylyn para sa Kapuso drama na “Love. D!e. Repeat” nila nalaman ang tungkol sa pagdadalang-tao nito. Ang pagdadalang-tao rin ni Jennylyn ang dahilan nang paghinto niya sa taping ng pinagbibidahan niyang Kapuso drama.
Credit: Jennylyn Mercado YouTube
Samantala, masayang-masaya naman ang mga tagahanga ng Kapuso couple sa panibagong kabanata ng kanilang pagsasama. Komento pa ng netizens:
“congratulations and you are one beautiful and happy preggy”
Credit: Jennylyn Mercado YouTube
“Congratulations Grabe ang blessings ni Lord sa inyo”
“congrats denjen…best wishes”
“So happy for the both of you! God bless your marriage and your baby!”
Credit: Jennylyn Mercado YouTube
Matatandaang matagal-tagal na ring magkasintahan sina Jennylyn at Dennis. Noong nakaraang Enero lamang ay masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang ika-7 anibersaryo bilang magkasintahan kasama ang kani-kanilang mga anak.
Credit: Jennylyn Mercado YouTube
Lingid naman sa kaalaman ng lahat, si Jennylyn ay mayroong isang anak sa kanyang dating nobyo na si Patrick Garcia na si Alex Jazz habang si Dennis naman ay may isa ring anak na si Calix Andreas na bunga ng relasyon nila ng dating beauty queen na si Carlene Aguilar.