Kahit saan magpunta at kahit anuman ang pinagdadaanan, nananatili pa rin na positibo ang outlook ni Rufa Mae Quinto sa buhay kaya naman kahit ang planong bakasyon lamang sa America noon ay nauwi sa matagal-tagal niyang stay dahil sa paglaganap ng c0v!d-19, pinili pa rin niyang maging masaya at i-enjoy ang buhay kasama ang pamilya.
Credit: @rufamaequinto Instagram
Isa si Rufa Mae sa mga aktres at komedyanteng hinding-hindi malilimutan sa mundo ng showbiz. Bibihira lamang kasi para sa isang artista ang magkaroon din ng magandang humor kaya naman talagang pumatok siya sa nakakarami.
Bagama’t wala man sa Pilipinas ngayon, patuloy pa rin na nararamdaman ni Rufa Mae ang suporta at pagmamahal ng kanyang fans dahil sa tuwing nagbabahagi siya ng vlogs o nagbabalita ng kanyang milestones sa kanyang official na account sa social media ay nakaantabay talaga ang mga ito.
Hindi pa nakakauwi sa Pilipinas simula nang nagpunta sa Amerika, napagdesisyunan ng aktres-commedienne at ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes na bumili at magkaroon na lamang ng sariling bahay na ipinasilip naman niya sa kanyang fans sa pamamagitan ng vlog na pinamagatan niyang “Welcome to our new house in the USA” o kung tawagin niya bilang “House TODO NA Tour”.
Elegente at simpleng bahay ang napiling bilhin ni Rufa Mae na may tatlong bedrooms. Napaka-spacious din at napakaaliwalas ng kabuuang lugar, swak na swak sa taste ng nag-iisang Rufa Mae!
At dahil bago pa lamang, makikitang wala pa masyadong kagamitan ang bahay kaya naman sobrang excitement ang nararamdaman ng komedyante dahil plano pa umano niyang mas pagandahin at iimprove pa ang interior design ng nabiling bahay.
Credit: @rufamaequinto Instagram
Sa kusina naman ay may refrigerator, oven, at iilang kagamitan na talagang magagamit ni Rufa Mae.
Habang nag-iikot sa kanilang bagong bahay, ipinasilip din ng aktres ang mga kwarto at kabilang na nga sa mga ito ay ang bedroom ng kanyang anak na si Athena.
Credit: @rufamaequinto Instagram
At dahil napakahands-on Momshie, personal talagang namili ng kulang na mga kagamitan si Rufa Mae kasama ang kanyang chikiting na si Athena at kaibigan na si Wendy sa malapit na mall.
Credit: @rufamaequinto Instagram
Ngayon na may sarili ng bahay sa Amerika at patuloy pa rin na tumataas ang positibong kas0 ng c0v!d-19, paniguradong mas magtatagal si Rufa Mae sa ibang bansa kasama ang kanyang asawa at anak sa ibang bansa.