Panoorin ang todo bigay na pagsasayaw ng anak ni Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amèlie!

Hindi maiwasan ng maraming netizens na panggigilan at kaaliwan ang panganay na anak ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amèlie matapos nitong ipamalas ang kanyang dancing moves.

 
Credit: @annecurtissmith Instagram

Pinusuan ng mga netizen ang isang video na ibinahagi ni Erwan sa Instagram kung saan makikita si Baby Dahlia na umiindak sa tunog ng isang tambol.

Mismong si Erwan ang tumutugtog sa tambol at sa tabi nga niya ay si Baby Dahlia na todo ang pag-indak at pagkembot.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Ayon pa kay Erwan, tila una pang matutunan ni Baby Dahlia ang pagsasayaw kaysa paglalakad.

Higit isang taong gulang pa lamang si Baby Dahlia kaya naman hindi pa siya marunong maglakad.
Gayunman, kahit siya ay nakatayo lamang ay todo bigay pa rin sa kanyang dance performance si Baby Dahlia.

Ini-repost naman ng isang fan page ni Baby Dahlia ang nasabing video na ngayon ay mahigit 300K na ang nakapanood at mayroon nang higit sa 20K likes.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Maraming netizens din ang nagkomento at pinuri si Baby Dahlia dahil sa kanyang talento sa pagsasayaw at umaapaw na ka-cutean.

Ayon pa sa mga netizen, nagmana si Baby Dahlia sa kanyang Mommy Anne na maraming beses nang pinatunayan ang kanyang galing sa stage. Komento nila:

“Omggggggg dancing dahlia is sooo adorable keep dancing our sweet dahlia”

“So cute dahhlia she will be the best dancer than her Mom”

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Naku panalo na agad cna Dahlia sa Magpasika

“Hahahaha ang cute naman ni Dahlia”

“Wow dahlia you danced now very good bebe ko your so talented like mommy”

Kamakailan ay nagviral din si Baby Dahlia matapos ipakita ni Anne ang mamahaling jewelry box na iniregalo sa kanya ng luxury brand na Louis Vuitton.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Samantala, mahigit isang buwan pa lamang ang nakalilipas matapos umuwi sina Anne at Erwan kasama si Baby Dahlia sa bansa.

Matatandaang sa bansang Australia isinilang ni Anne si Baby Dahlia at mahigit isang taon din silang namalagi roon.

Dito naman ipinagdiwang ni Baby Dahlia ang kanyang unang kaarawan na ginanap noong March 2 lamang.

At noong nakaraang buwan din ay nagbakasyon sa isla ng Boracay ang pamilya ni Anne kasama ang pamilya ni Solenn Heussaff na kapatid naman ni Erwan.