Mula nang magsimula ang p@ndemya, pinagbabawalan na ang mga bata na lumabas sa kanilang mga bahay. Isa naman ang mga palaruan o mga parke sa mga pansamantala munang isinara upang maiwasan ang pagkalat ng v!rus. Nangangahulugan lamang ito na ang mga bata ay wala nang oras upang maglaro sa labas ng kanilang tahanan.
Credit: Paolo Contis YouTube
Alam naman natin na mahalaga sa development at pagkatuto ng isang bata ang paglalaro o “play”. Sa pamamagitan kasi ng paglalaro ay nabibigyan ng oportunidad ang isang bata na mag-explore at linangin ang kanyang mga kakayahan tulad na lamang ng kanilang kumpiyansa sa sarili at social skills.
Kaya naman isang malaking hamon para sa mga magulang na maghanap ng mga paraan upang makapaglaro pa rin ang kanilang anak sa labas ng bahay sa panahong ito ng p@ndemya.
Isa naman ang aktor at comedian-host na si Paolo Contis sa mga talagang naghanap ng paraan at dumiskarte upang kahit papaano ay magkaroon ng lugar ang kanyang anak na si Summer kung saan makakapaglaro ito.
Credit: Paolo Contis YouTube
Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Paolo ang kanyang naging regalo para sa anak nila ni TV actress LJ Reyes noong nagdaang Pasko.
Kabilang nga ang anak ni Paolo sa mga bata na mula noong nagsimula ang p@ndemya ay hindi na nakapunta sa parke.
Kaya naman naisip niyang gumawa ng isang indoor-outdoor park sa malaking espasyo ng kanilang garahe.
“Nu’ng p@ndemic siyempre itong mga bata hindi na sila makalabas, isa sa mga nawala sa kanila ay ang pagpunta sa park,” kwento pa ni Paolo.
Ayon kay Paolo, kung hindi nga nila maipasyal si Summer sa parke ay dadalhin na lamang nila ang parke sa kanilang bahay.
Credit: Paolo Contis YouTube
Sabi ni Paolo, “Naisip ko na kung si Summer ay hindi makapunta sa park, might as well bring the park inside our home.”
Sa vlog, makikita si Paolo na nagtatrabaho kasama ang ilang mga tao sa pagbuo ng indoor-outdoor park na regalo niya para kay Summer.
Tulad ng isang totoong parke, naglagay si Paolo ng isang seasaw, isang playhouse, isang rock climbing wall, at isang duyan.
Credit: Paolo Contis YouTube
Ibinahagi rin ni Paolo na kaya niya pinalagyan ng isang artificial grass ang indoor-outdoor park ay para maging ligtas at hindi masugatan si Summer habang naglalaro.
Bago nga niya ipakita kay Summer ang kanyang regalo, ikwenento ni Paolo na hindi umano nila pinalabas si Summer habang ginagawa nila ang parke dahil gusto nila itong sorpresahin.
Kaya naman walang kapalit ang mga ngiti ni Summer nang makita na niya ang kanyang bagong playground.
Larawan sa reaksyon ni Summer ang kasiyahan habang tinitingnan niya ang regalo sa kanya ng kanyang ama.
Sa huli, excited na naglaro ang dalawang taong gulang na si Summer sa kanyang bagong playground.