Paolo Contis, nakasama na sa wakas ang anak na si Summer matapos ang mahabang lock-in taping para sa kanyang panibagong Kapuso teleserye

May bagong Kapuso teleserye na ginagawa ang aktor na si Paolo Contis kung saan ay gumaganap siya bilang isa sa mga lalaking may nararamdaman para sa bidang babae na ginagampanan naman ng aktres na si Heart Evangelista.

Credit: @paolo_contis Instagram

Kamakailan lamang ay nagsilabasan na ang teaser photos ng kanilang teleserye na may pamagat na “I Left My Heart in Sorsogon.”

At base sa pamagat ng upcoming Kapuso teleserye, ginagawa ang shooting nito sa probinsya ng Sorsogon. Kaya naman ilang linggo ring nawalay sa kanyang pamilya si Paolo.

Noong July 14 naman, sa kasagsagan ng kanyang lock-in taping ay inihayag ni Paolo kung gaano niya nami-miss ang kanyang asawang si LJ Reyes at ang kanilang anak na si Summer at maging ang panganay ni LJ na si Aki.

Credit: @paolo_contis Instagram

Sa kanyang post, hindi nakalimutan ni Paolo na pasalamatan si LJ dahil sa pag-aalaga nito sa kanilang mga anak habang nagtatrabaho siya sa malayo.

“Haaaaayy, missing you guys already… ilang linggo pa bago tayo magkita kita ulit. @lj_reyes love, thank you for everything! Thank you for taking care of all of us!” ani Paolo.

Dagdag pa ni Paolo, “Alam ko mas mahirap ngayon na wala ako but I know the kids will be okay kasi nandyan ka! I want you to know how much I appreciate and looove you! Can’t wait to go home again and be with you! ❤️ please know that I’m always missing you and thinking of you.”

Credit: @paolo_contis Instagram

Matapos nga ang halos isang buwan mula nang mag-post si Paolo ay nagkasama-sama muli sila ng kanyang pamilya nito lamang August 8.

Credit: @paolo_contis Instagram

Nag-post si Paolo sa kanyang Instagram ng sweet photo nila ng kanyang anak na si Baby Summer. Halata namang na-miss ni Paolo ang kanyang anak.

“I missed you, my Ganda!!!” sulat pa ni Paolo sa caption ng kanyang post.

Credit: @paolo_contis Instagram

Makikita rin sa ibinahaging video ni Paolo na balik ulit silang mag-ama sa kanilang ‘acting lessons.’ Sa video na inupload ni Paolo, mapapanood na umaarteng naggagalit-galitan si Baby Summer.

Pabiro pang sabi ni Paolo sa caption ng video, “Huwag niyo gagalitin yung Ganda ko!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Samantala, bukod kay Paolo, inaabangan din ng marami sa “I Left My Heart in Sorsogon” ang aktor na si Richard Yap na gumaganap naman bilang ka-love team ni Heart.