Patrick Garcia at asawang si Nikka Martinez, masayang ibinalita na magkakaroon na sila ng baby #4!

Buntis sa kanilang ika-4 na anak ni Patrick Garcia si Nikka Martinez. Excited na ibinalita ng celebrity couple sa kanilang family YouTube channel nitong January 8 na inaasahan nila ang kanilang ika-4 na anak.

Credit: Patrick Garcia Instagram   

“Hi guys. Maraming nagtatanong kung bakit hindi na ako nakakapag-stories in my Instagram…Kasi medyo sometimes nahihilo ako palagi. It’s not just morning s!ckness. It’s whole day s!ckness,” simula ni Nikka.

Dagdag naman ni Patrick, “And kaya wala rin kaming masyadong na-vlog sa Christmas tsaka New Year kasi walang lakad dito lang kami sa bahay.”

Credit: Patrick Garcia Instagram

At masaya na ngang ini-reveal nina Nikka at Patrick ang pagdating ng panibagong biyaya sa kanilang pamilya.

Credit: Patrick Garcia Instagram

“Yes, we are pregnant with baby number 4,” sabay na sambit nina Nikka at Patrick.

Nagpatuloy naman si Patrick at ikwenento ang ilang bagay na na-obserbahan niya sa pagbubuntis ngayon ni Nikka sa kanilang ika-4 na anak.

Ani Patrick, “Siguro sa lahat ng naging pregnancies niya parang feeling ko dito siya pinaka-nachachallenge ngayon.”

Ibinahagi ni Nikka na madalas siyang nakakaranas ng pagkah!l0 at pag-iwas sa ilang pagkain.

Credit: Patrick Garcia Instagram

Kwento ni Nikka, “Compared to the rest noh, iba yung n@usea ko dito, iba yung food aversions.”

Bagaman medyo mahirap para sa kanya ang kanyang pagbubuntis ngayon, positibo si Nikka na magiging maayos din ang lahat kalaunan.

Pahayag ni Nikka, “I’m a little bit challenged but I know that as I go further into my pregnancy, it will get better.”

Credit: Patrick Garcia Instagram

Sa ngayon, pinayuhan si Nikka ng kanyang mga d0ktor na manatili muna sa bahay dahil sa kanyang masel@ng pagbubuntis.

“She’s high-ri$k. So it’s better for us, for her to stay at home muna,” saad ni Patrick.”

Patuloy ni Nikka, “The doctors advised us to just stay at home because there’s still p@ndemic going on.”

Samantala, makikita rin sa vlog ang masayang reaksyon ng tatlong anak ng celebrity couple na sina Michelle Celeste, Nicola Patrice at Francisca Pia matapos malaman na magkakaroon sila ng bagong kapatid.

Credit: Patrick Garcia Instagram

Hindi pa inihahayag ng mag-asawa ang kasarian ng kanilang ika-4 na anak.

Ikinasal ang mag-asawa noong Marso 21, 2015. Bukod sa kanyang mga anak kay Nikka, mayroon pang isang anak si Patrick sa kanyang dating kasintahan na si Jennylyn Mercado na si Jazz.