Pauleen Luna at anak na si Tali, pinatakam ang mga netizen sa kanilang pagluluto ng Pinoy-style spaghetti!

Nag-bonding sa kusina ang mag-inang Pauleen Luna at Tali Sotto. Espesyal ang naging pagluluto ni Pauleen ng Pinoy-style spaghetti dahil naging assistant niya ang kanyang munting chef na si Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa isang video na may habang 8 minuto, mapapanood ang bonding nina Pauleen at Tali habang nagluluto ng spaghetti.

Ibinunyag ni Pauleen na hindi pa siya gaanong “confident” sa pagluluto ngunit dahil napakadali at napakabilis lamang lutuin ng Tender Juicy Spaghetti kaya naman gusto niyang ibahagi ito sa lahat ng mga ina na gustong lutuan ng masarap na pagkain ang kanilang mga anak.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Proud din na ibinahagi ni Pauleen sa lahat na kahit napakabilis lamang lutuin ng nasabing spaghetti ay hindi nakukumpurmiso ang masarap na lasa nito.

Ayon kay Pauleen, tatlong sangkap lamang ang kinakailangan para lutuin ang Tender Juicy Spaghetti at ito ay ang Purefoods Slow-cooked Spaghetti Sauce, Spaghetti noodles, at siyempre napakaraming keso.

Ipinagmalaki naman ni Pauleen na ang spaghetti sauce ay kumpleto na dahil mayroon na itong hotdog at ground meat.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Habang pinapakuluan naman ni Pauleen ang tubig ay nag-duet muna sila ni Tali sa pagkanta ng “Baby Shark”. Enjoy na enjoy nga si Tali habang kumakanta.

Bilang isang chef ay siyempre may suot si Tali na outfit na pang-chef. Bukod dito ay mayroon ding siyang sariling kitchen tools.

Kapansin-pansin naman ang pagiging curious ni Tali sa mga ginagawa ng kanyang Mommy Pauleen.
Masusing tinitingnan ni Tali ang bawat ginagawa ng kanyang Mommy Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sobrang cute ngang tingnan ni Tali habang ginagaya ang mga ginagawa ng kanyang Mommy Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Caption naman ni Pauleen sa video nila ni Tali, “Hi mommies! No time to cook but want something special for your family? Try this new dish that I recently discovered! Purefoods Spaghetti Sauce with TJ Hotdog has been my go-to dish recently ! I love how complete the sauce is (it comes with meat and spices already! Also, you can do this dish in 10 mins. Yummy spaghetti in a jiffy! Watch the video to see what i’m talking about ☺️ @purefoods #MomsBestLove #TenderJuicyfied”

Sa huli ay tinikman na ni Pauleen ang kanilang nilutong spaghetti at base sa kanyang reaksyon napakasarap nga nito at “perfect” para sa bawat pamilya lalo na para sa mga chikiting!