Pauleen Luna at Vic Sotto, naghatid ng good vibes sa netizens matapos maglaro kasama ang anak na si Tali sa isang inflatable pool

Enjoy sa kanyang pagswi-swimming ang napakabibong celebrity kid na si Talitha Maria o Baby Tali kasama ang kanyang mga magulang na sina Pauleen Luna at ‘Bossing’ Vic Sotto.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Summer na at talaga namang isa sa mga paboritong gawin ng mga bata tulad na lang ni Baby Tali ay ang mag-swimming.

Kaya lang ay bawal pang magpunta sa beach ngayon dahil sa mga ipinapatupad na l0ckdown bunsod ng nararanasan nating health krisis.

Hindi naman ito naging hadlang dahil nag-enjoy pa rin si Baby Tali sa pagswi-swimming at paglalaro sa isang inflatable pool na may kasama pang slide!

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram ang isang video kung saan mapapanood silang magpamilya na masayang naglalaro sa napakalaking inflatable pool.

Kinatuwaan ng kanilang mga tagahanga ang tagpo na mapapanood sa video dahil talaga namang masayang-masaya si Baby Tali maging sina Pauleen at Vic na maglaro at magpadausdos sa inflatable pool.

Super cute naman si Baby Tali sa kanyang suot na swimming attire habang pinapanood ang kanyang Mommy Pauleen at Daddy Vic na nag-uunahan sa pagdausdos sa slide ng inflatable pool.

Ayon naman kay Pauleen, hindi niya malilimutan ang masayang bonding nilang magpamilya.

“What a fun day! Thank you again @yuyuinflatables for an unforgettable day,” caption ni Pauleen sa video na kanyang ipinost.

Isang family picture rin ang ibinahagi ni Pauleen kung saan kitang-kita ang saya sa mukha nila ni Vic kasama ang kanilang baby girl.

Pinusuan naman ng mga netizen ang masayang pagbo-bonding nilang magpamilya.

Marami ang natuwa dahil sobrang nakaka-good vibes ang saya na makikita sa mukha nina Pauleen, Vic at lalong-lalo na kay Baby Tali. Komento ng netizens:

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Sobrang happy ni tali hahahahaha cute”

“happy family walang kupas ang kapogian ni bossing kahit sa katirikan ng araw”

“For sure, this kind of moment will implanted on Tali’s memory forever*

“Ang saya love this fam nakakagoodvibes kayo”

“ENJOY NA ENJOY SI DADY BOSSING AT MAMA POLENG! LUV IT”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“I super love the 1 2 3 go!!! And what a lovely family you have po! And Tali is sooooooo cute”

Ikinasal sina Pauleen at Vic noong 2016 at isang taon ang makalipas dumating naman sa kanila si Baby Tali na mas lalong nagpatibay sa kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa.