Pauleen Luna, hindi inaasahan ang magiging resulta ng unang dental check-up ng kanyang anak na si Tali

Mahalaga para sa ating kalusugan na maayos nating naaalagaan ang ating ngipin. Isa nga ang pagpunta sa dentista sa mga paraan upang masuri ang kondisyon ng ating mga ngipin at maagapan ang anumang dental health problem.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram     

Ngunit marami sa atin ay natatakot na magpunta sa dentista. Kabilang na rito ang mga bata. Dahil dito kaya talagang pinaghahandaan ng mga magulang ang unang dental appointment ng kanilang mga anak.

Katulad na lamang ni Pauleen Luna na ibinahagi kamakailan ang nangyari sa unang pagpunta ng kanyang anak na si Tali sa denstista.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Pauleen ang ilang litrato ni Tali kuha mula sa kanyang unang pagbisita sa dentista.

Ayon kay Pauleen, bago sila bumisita sa dentista ay inihanda niya muna si Tali ng ilang linggo. Naalala kasi ni Pauleen ang kanyang unang pagbisita sa dentista. Ibinunyag ni Pauleen na noong siya ay bata pa ay takot na takot siyang magpunta sa dentista.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Kwento ni Pauleen, “Tali’s 1st trip to the dentist! Ahhhh i’ve been having so much thoughts about my daughter’s first dental appointment as I was a scared little girl before who was terrified of the dentist! I prepped her for weeks, playing dentist, practicing the “ahhhhh” and how the dentist will check her teeth.”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Naisip na umano ni Pauleen ang mga posibleng mangyari o magiging reaksyon ni Tali sa unang pagbisita nito sa dentista. Ayon kay Pauleen, inaasahan niyang iiyak, sisigaw o hindi naman kaya magpupumiglas si Tali.

Ani Pauleen, “You see, Tali, just like any kid is afraid of something she’s not so familiar with so i was already expecting a lot of crying, screaming and “pagpupumiglas”! This girl has been confined in our home for the past 10 months so i was expecting the worst!”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Nagulat nga si Pauleen dahil hindi niya nakita kay Tali ang mga bagay na inaasahan na niyang gagawin nito. Sa halip kasi na umiyak o matakot ay tuwang-tuwa pa si Tali sa kanyang unang pagbisita sa dentista.

“But man, what happened today was unexpected! She was so happy to be in GAOC! All the dentists and receptionists were so friendly (as per usual) and Tali felt at home right away!” bahagi ni Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Masaya nga si Pauleen sapagkat ang unang dental check-up ni Tali ay naging matagumpay.

Ani Pauleen, “She loved wearing the ppe! From the hair cap down to the shoe cover! She said she felt like a princess 😂 her check up went soooo well! NOT ONE TEAR!”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa huli, pinasalamatan ni Pauleen ang dentista at mga empleyado ng dental clinic na kanilang pinuntahan “for making [Tali’s] first dental appointment happy and not traumatizing” tulad umano ng naranasan niya noong bata siya.