Maraming mga magulang ang gustong i-capture ang mga precious moment ng kanilang mga anak at kasama na dito ang mga “firsts” nila, mga bonding moments kasama ang mga magulang, at mga nakakatawang pangyayari na masarap balik-balikan para sariwain at alalahanin lalo na kapag lumaki na ang mga ito.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Ganito din ang ginagawa ng aktres na si Pauleen Luna na very active sa pagdocument ng mga kaganapan sa buhay ng anak nila ni Vic Sotto na si Tali. Makikita ito agad kapag tinignan ang kanyang Instagram account na puno ng video at letrato ni Tali.
Kamakailan lang ay nagbahagi si Pauleen ng nakakatuwang bonding ng kanyang mag-ama sa kanyang Instagram page. Sa video ay makikitang basa ang buhok ni Tali na bagong ligo at nakatalikod naman si Tali sa kanyang ama. Si Vic naman ay abala sa pagsuklay ng mahabang buhok ng kanyang anak. Sa background ay maririnig na tumutugtog ang kantang, “The Days”.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Di naman matawaran ang precious moment na ito para kay Pauleen na sinabi sa caption sa kanyang post na gusto niyang patigilin ang oras para sa moment na iyon. Bukod pa dito ay sinabi ni Pauleen kung gaano siya kapalad kay Vic at Tali.
“I just want to freeze this moment.. blessed to have these two,” sinabi ni Pauleen sa kanyang caption.
View this post on Instagram
Maging ang mga nakasaksi sa video ay natuwa sa ipinost ni Pauleen:
“This video makes me teary eyed 😢🥺”
“How I wish that i had this experience with my Dad… Sadly i never..”
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
“Kay gandang pagmasdan… You’re really sooo blessed Ms Pauleen🙏❤️”
“Pag nakita ng lola ko ‘to matutuwa yun ng bongga! Sobrang lodi nya family nyo at Eat bulaga! ❤️ tapos message ng message sa facebook kahit sinabi kong di sya rereplyan hahaha 😭🤍”
“Love it… Father and daughter moment 😍❤️ god bless your fam always, god bless sotto fam 🙏”
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Si Tali ay ang apat na taong gulang anak nila Vic Sotto at Pauleen Luna.