Pauleen Luna, masayang ipinasilip ang unang araw sa eskwela ni Tali bilang isang nursery student!

Masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Pauleen Luna ang isa na namang milestone sa buhay ng kanyang unica hija na si Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Ngayong buwan kasi ay ang pagsisimula ni Tali sa nursery school. At dahil special ang unang araw ni Tali bilang isang nursery student kaya naman ibinahagi ito ni Pauleen. Ginanap online ang unang araw ng klase ni Tali sa nursery school.

Sa Instagram ay nag-post si Pauleen ng ilang larawan ni Tali kuha mula sa zoom classes nito. Sa isang larawan ay makikita pa si Tali na masayang-masaya hawak ang isang poster na may nakasulat na, “My first day as a little apprentice.”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Kasunod ng nasabing larawan ay ang mga video ni Tali na kumakanta kasabay ang kanyang mga kaklase.

Mapapanood sa video si Tali na sobrang energetic habang kumakanta kasama ang kanyang teacher at mga kaklase.

Ayon naman kay Pauleen, halos hindi siya makapaniwala sa bilis ng paglipas ng panahon dahil ngayon nasa nursery school na si Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“First day of Nursery School and i don’t know how to feel. I am so happy that this girl loves to learn and that she’s so excited about school! But also in disbelief that time flew by so fast and that she’s now in nursery!” sulat ni Pauleen sa caption.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Kwento rin ni Pauleen, excited umano raw talaga si Tali sa pagpasok nito sa nursery school para ma-meet ang mga bago nitong kaklase.

“She was also so excited to “meet” her new classmates thinking they were going to visit our house daw but i am still grateful that zoom classes exist! Thank God!” saad ni Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Nilinaw naman ni Pauleen na humingi siya ng pahintulot mula sa guro ni Tali at mga magulang ng mga kaklase ni Tali bago niya inupload ang mga larawan.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Also, to everyone asking, i asked our teacher if i can post photos from today and of the classmates and i got a go signal. We covered 1 student bec it’s the parents’ request so we respect that of course. I hope this is clear!” pahayag ni Pauleen.