Pauleen Luna-Sotto at Vic Sotto, nag-enjoy sa swimming bonding kasama ng mga anak at apo!

Walang makakatalo sa sayang hatid ng pamilya! Busy man sa trabaho bilang host sa entertainment show na “Eat Bulaga” si Pauleen Luna-Sotto ay malaki pa rin ang kanyang pagpapahalaga sa pamilya. Talagang naglalaan siya ng malaking oras para makasama ang pamilya kahit pagod man galing sa trabaho.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sobrang pagod man ay nagiging lakas naman ni Pauleen ang kanyang pamilya, lalo na si baby Tali. Kaya bilang pampatanggal stress ay inilaan ni Pauleen ang kanyang weekend kasama ang pamilya at nag-enjoy habang nagsiswimming sa isang inflatable pool at slide.

Sinalubong ng pamilyang Sotto ang unang weekend sa buwan ng July ng magkasama. Hindi na kinakailangang magpunta pa ni Pauleen at ng kanyang pamilya sa ibang lugar upang makapag-bonding dahil nagtayo sila ng sariling inflatable pool at slide sa bakuran ng kanilang bahay at nagawa pa rin nilang mag-enjoy ng labis.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa ibinahaging mga larawan ng “Eat Bulaga” host na si Pauleen sa kanyang Instagram account ay makikitang kasama niya ang mga kamag-anak sa loob ng inflatable pool. Of course, present ang anak ni Pauleen na si baby Tali at kapwa nitong mga bata sa kanilang pamilya.

“What a fun day ❤,” sabi ni Pauleen sa kanyang caption.

Talaga namang masaya sila sa kanilang weekend dahil halata naman sa ekspresyon ni baby Tali at ng ibang bata ang saya na naramdaman.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Ayon pa sa Kapuso host ay talaga namang nag-enjoy ang mga bata sa kanilang pamilya dahil sa itinayo nilang inflatable pool. Hindi rin niya maitanggi na nag-enjoy rin siya, si Danica Sotto-Pingris, at ang kasamang adults sa katotohanang malalaki na sila at hindi na mga bata.

Inamin rin ni Pauleen na kahit adults na sila ay hindi pa rin nawawala ang pagka-bata nila paminsan-minsan.

“Thank you @yuyuinflatables for making it special for the kids! And the kids at heart😅,” dagdag pa ni Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Hindi rin napigilan ng aktres at kapwa host sa kabilang network na si Mariel Rodriguez-Padilla ang magkomento sa mismong post ni Pauleen.

“Looks super fun,” komento ni Mariel.

May mga netizen rin na nagkomento at sinabing “so fun” ang naging weekend ni Pauleen kasama ang pamilya.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Simple man ang family bonding noong nakaraang Sabado ay walang katumbas na kasiyahan naman ang hatid nito na nakapinta sa kani-kanilang mga ngiti.