Pauleen Luna-Sotto, naibalik na ang kanyang pre-baby body at sinabing naging posible ito dahil sa suporta ni Vic Sotto

Masaya ang Eat Bulaga Dabarkads na si Pauleen Luna sa matagumpay na resulta ng bago niyang healthy lifestyle. Ito ay kanyang ibinahagi sa Instagram kasama ang ilang larawan kung saan makikita ang kanyang fit na fit na pangangatawan.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Hello self! Good to see you again. Back to my pre baby body (after 3 years?!?) I only started to take this fitness journey seriously in February 2021 but boy am I glad I did!” caption sa Instagram post ni Pauleen.

“Lots of hard work and discipline but I’m happy that I was able to get back on track even if it took a long time! Special thanks to the people who push me to be a better version of myself!” dagdag pa nito.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Pauleen ang asawang si Vic Sotto sa suporta nito.

“And many thanks to my husband who’s been so supportive! This isn’t the end of the journey because fitness is a lifelong thing!“ ani Pauleen.

“To all the mamas messaging me, thank you and take your time, do not rush and you do you!” dugtong pa ni Pauleen upang magbigay inspirasyon sa mga tulad niyang mommy na mas lumaki ang pangangatawan dahil sa panganganak.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Pinuri ng mga netizen maging ng mga kapwa artista ang achievement na ito ng aktres pero meron ding isang netizen na nakakuha ng atensyon ni Pauleen dahil sa hindi magandang komento.

Sa comment section ng IG post na ito ni Pauleen ay may ilang netizens na hindi maganda ang dating ng iniwang komento tulad ng nagsabing, “Sige lagi kang magpaganda para sa’yo na lang attention ng mister mo.”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Pero sana ‘yung pagpapaganda mo para sa mister mo lang,” dagdag pa nito.

Hindi naman ito pinalampas ni Poleng at sinagot ang netizen.

“Thanks for the concern but I’m doing this for myself. I wanna be strong and healthy, so I can live a long life for my family,” sagot ni Pauleen.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Not doing this for my husband’s attention or for any guy for that matter,” dagdag pa nito.

Malinaw na naipaliwanag ni Pauleen ang kahalagahan ng pag-eehersisyo, hindi para lamang maging kaaya-aya sa paningin ng ibang tao kundi upang mas maging healthy ang pangangatawan.