Nagbibigay saya ngayon sa netizens ang cute ballet dance performance ng anak nina TV host Pauleen Luna at ‘Bossing’ Vic Sotto na si Baby Talitha Marie.

Nitong Lunes, September 28 ay ibinahagi ni proud mom Pauleen sa Instagram ang video ng ballet dance class ni Baby Tali.

Caption ni Pauleen sa IG video, “1st day of Ballet Class with Teacher @margarita.ally 🥰”
View this post on Instagram
Sa video ay makikita si Baby Tali na suot ang kanyang napaka-cute na pink ballet suit habang kinokopya ang ballet dance steps na itinuturo sa kanya ng kanyang ballet teacher. Nakakaaliw si Baby Tali dahil napakamasunurin nito sa kanyang ballet teacher. Kapansin-pansin din sa video na nag-eenjoy si Baby Tali habang sumasayaw.

Sa comment section ng naturang post, ikwenento ni Pauleen kung paano nila nalaman ni Vic ang interes ni Baby Tali ballet dancing.
Ani Pauleen, “hello! she started doing mga ballet steps. Tapos mahilig mag tiptoe, mag twirl and all. I really saw na she’s interested kaya we tried 🙂”

Pinuri naman si Baby Tali ng kanyang ballet teacher dahil sa edad na dalawang taong gulang ay kakikitaan na ito ng interes sa pagba-ballet.
Aniya, “a future ballerina in the making with her interest at 2 yrs old ❤️❤️❤️”
Aliw na aliw din ang netizens sa pagba-ballet ni Baby Tali. Anila, napaka-talented at cute ni Baby Tali.
Komento ng netizens:

“Very good Tali! Your so smart and talented. You know how to follow instructions already.”
“Galing naman ni Tali ang cute”
“Grabe! Nagbaballet na si Tali”
“Waaaaaaahhh little ballerina”

Ilang netizen din ang nagpahayag ng kanilang excitement na mapanood ang pagba-ballet ni Baby Tali sa noontime show ng kanyang Daddy Vic na “Eat Bulaga”.
“Go tali ❤️ ganyan na ba ang sasayawin mo sa bawal judgemental”
“Hindi kami makapaghintay sa pagbaballet ni Tali sa Eat Bulaga”
Matatandaang kamakailan lamang nang ipamalas ni Baby Tali sa “Eat Bulaga” ang kanyang TikTok dance moves na nagpasaya sa Dabarkads.

November 6, 2017 nang dumating sa buhay nina Pauleen at Vic si Baby Tali. Simula nang isilang ay hindi lamang ang kanyang mga magulang ang pinasasaya ni Baby Tali kung hindi pati na rin ang netizens.