PBB alumna na si Kisses Delavin, nanawagan ng suporta sa pagsabak niya sa Miss Universe Philippines 2021

All-out ang naging suporta ng netizens sa Pinoy Big Brother alumna na si Kisses Delavin sa pagsali nito sa prestihiyosong national pageant na Miss Universe Philippines.

Credit:ย @kissesdelavin Instagram

Kamakailan lamang nang inilabas ng organisasyon sa kanilang Facebook page ang opisyal na listahan ng mga kandidata na maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe Philippines 2021.

Hindi maikakailang marami ang nagulat sa pagsabak ni Kisses lalo na’t ilang buwan ding tikom ang kanyang bibig tungkol sa pagsabak niya sa nasabing national pageant.

Credit:ย @kissesdelavin Instagram

Kaya naman matapos kumpirmahin ng organisasyon na isa si Kisses sa 100 aspiring Pinay beauty queens na lalahok sa kumpetisyon ay todo na lamang ang pagsuporta ng kanyang libu-libong tagahanga.

Dahil dito ay labis-labis ang pasasalamat ni Kisses sa kanyang mga supporter. Maliban dito ay nanawagan din si Kisses sa marami na patuloy siyang suportahan sa kanyang journey sa Miss Universe Philippines.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Kisses ang mensahe niya para sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

Credit:ย @kissesdelavin Instagram

Ani Kisses, “Hello Universe! Life updates: 1) Iโ€™ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines! ๐Ÿ˜๐Ÿ’– 2) God gave me puppies! Coffee, Sugar, and Cookie ๐Ÿฅฐ Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta! Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines! ๐Ÿ‘‘๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–”

Kalakip naman ng post ni Kisses ay ang isang video kung saan ay ipinasilip niya ang kanyang pasarela o catwalk.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin)

Lingid naman sa kaalaman ng marami, bata pa lamang ay pangarap na talaga ni Kisses na maging isang beauty queen. Kwento pa ni Kisses sa isa niyang nagdaang panayam, tatlong taong gulang siya noong una siyang sumali sa isang beauty pageant.

Credit:ย @kissesdelavin Instagram

“Ever since I was a little kid, nag-start ako mag-join ng beauty pageant. When I was three years old nag-bikini na ‘ko. So, it has always been my passion,” ani Kisses.

Ilang beses na ring nanalo sa beauty pageant si Kisses. Una ay noong 2013 kung saan ay itinanghal siya bilang Miss Teen Masbate. Taong 2016 naman nang kinoronahan siya bilang Miss Kaogma.

Credit:ย @kissesdelavin Instagram

Samantala, matagal nang napupusuan ng marami si Kisses bilang kandidata ng mga beauty pageant dahil sa kanyang angking ganda at katalinuhan.

Matatandaang ilang beses nang nakatanggap ng papuri si Kisses mula sa maraming pageant enthusiast tulad na lamang ng TV host na si Boy Abunda dahil sa husay niyang sumagot sa mga Q&A interview.

Credit:ย @kissesdelavin Instagram

Kaya naman marami na ang excited na mapanood si Kisses sa pageant scene ngayong darating na September 2021 kung kailan gaganapin ang coronation night ng kumpetisyon.

Taong 2016 nang sumali si Kisses sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” edition kung saan ay itinanghal siya bilang second place.