PBB Big Winner Yamyam Gucong, proud na ibinahagi ang mga naipundar na negosyo at nabiling lupa at sasakyan na bunga ng pagsusumikap

Isa si Pinoy Big Brother: Otso big winner Yamyam Gucong sa mga nagsisilbing inspirasyon ngayon ng marami dahil kahit gaano man kahirap ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay ay nagawa niya pa rin itong malagpasan lahat.

Credit: @gucongyamyam Instagram

Matapos nga siyang tanghalin bilang big winner ng PBB noong 2019 ay unti-unti nang natutupad ni Yamyam ang mga pangarap niya lalo na para sa kanyang pamilya na kasalukuyang nasa probinsiya.

Nitong February 1, sa TV guesting ni Yamyam sa Magandang Buhay ay ibinahagi niya ang mga naipundar niya para sa kanyang pamilya na bunga ng kanyang mga pagsisikap sa buhay.

Masayang ibinahagi ni Yamyam na nakabili na siya ng lupa at isang sasakyan para sa kanyang pamilya sa Bohol.

Kwento ni Yamyam, “Isa noon ay nakabili ako ng lupa. Amin na ‘yung sinasakahan namin dati. Tapos bumili rin ako ng sasakyan.” 

Credit: @gucongyamyam Instagram

May negosyo na ring naipatayo si Yamyam para sa kanyang pamilya. Ayon kay Yamyam, mayroon siyang naipundar na maliit na bakeshop sa kanilang probinsiya kung saan nagtatrabaho ang kanyang mga kapatid.

Ani Yamyam, “May bakeshop. May konting negosyo ako, hindi rin ‘yon akin, para sa kanila rin ‘yon, family business.”

Credit: Magandang Buhay via ABS-CBN Entertainment YouTube

Ibinahagi naman ni Yamyam na ngayong panahon ng p@ndemya ay mas lalong naging challenging sa kanya ang lahat lalo na’t hindi muna siya basta-bastang makakauwi sa kanilang probinsiya.

May payo naman si Yamyam para sa mga tulad niyang kinakailangan munang malayo sa pamilya upang mabigyan lamang sila ng magandang buhay.

Ani Yamyam, “Ang advice ko lang is always pray talaga sa Panginoon natin.”

Credit: Magandang Buhay via ABS-CBN Entertainment YouTube

Aminado si Yamyam na nakaranas siya ng matinding “stress” nang malayo siya sa kanyang pamilya dahil sa kanyang trabaho.

Ngunit ang nagpalakas umano kay Yamyam ay ang mga hirap na napagdaanan niya noon at ang kanyang pangarap na mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang mga mahal sa buhay.

Credit: Magandang Buhay via ABS-CBN Entertainment YouTube

Saad ni Yamyam, “I-relate ko lang sa nangyari sa akin. Sobra akong na-stress na mapalayo sa pamilya para sa kanila, so isipin mo na lang kung gaano kahirap ang buhay mo dati at ano ang inspirasyon mo sa buhay para maibigay at ma-provide mo sa mga mahal mo sa buhay. Manalangin ka lang at ibibigay ‘yan ng Diyos.”

Credit: Magandang Buhay via ABS-CBN Entertainment YouTube

At nang tanungin kung hanggang kailan siya magsasakripisyo para sa kanyang pamilya, sinabi ni Yamyam, “Siguro para sa akin, habambuhay. Kasi ano, eh, pamilya natin ‘yan.”

Dagdag niya, “Siyempre kadugo natin kaya habang buhay ko silang pagtitiisan, pagsakripisyo sa kanila.”

Credit: Magandang Buhay via ABS-CBN Entertainment YouTube

Samantala, ipinamalas naman ni Yamyam ang kanyang galing sa pag-arte sa kanyang latest project na “Hoy, Love You!” na pinagbibidahan ng nagbabalik na onscreen partners na sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.