Double celebration para sa “Pinoy Big Brother: Otso” big winner na si Yamyam Gucong ang pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan ngayon taon. Kasabay kasi nito, ibinahagi ni Yamyam sa publiko na siya ay magiging isang ganap na ama na.
Credit: @gucongyamyam Instagram
Sa mismong araw ng kanyang ika-28 taong kaarawan noong December 8, masayang inanunsyo ni Yamyam na kasalukuyang buntis ang kanyang non-showbiz fiancée na si Elaine Toradio.
Gumawa ng isang TikTok dance video si Yamyam kung saan ipinakita niya ang lumalaking tiyan ni Elaine. Ayon pa kay Yamyam, hindi niya kailangan ng maraming pera dahil sapat na sa kanya ang kanyang mag-ina na siyang mag-aalis umano sa lahat ng kanyang kalungkutan.
“I don’t need more money, I need happiness that wash all my sadness happy birthday to me,” sabi ni Yamyam sa caption ng kanyang ibinahaging video.
Samantala, bumaha naman ang pagbati mula sa mga kasamahan sa showbiz at mga tagahanga ni Yamyam dahil sa bagong biyaya na ipinagkaloob ng Maykapal para sa kanila ni Elaine. Komento nila:
Credit: @gucongyamyam Instagram
“OMG! Congratulations, Yamito! Happy birthday.”
“Congrats yamyam magiging daddy kna rin”
“Happy birthday yarn and congrats!..magiging daddy ka na pala yam..”
“Happiest bday yam..happy to see your future lil fam. Godbless always.”
Credit: @gucongyamyam Instagram
“Happy birthday yamyam tatay ka na pala sooon”
Lingid sa kaalaman ng marami, noong October lamang na-engage sina Yamyam at Elaine.
Matatandaan na marami ang naaliw sa naisip na wedding proposal ni Yamyam para kay Elaine dahil ginawa niya mismo ito sa loob ng pinagbilhan niya ng singsing.
View this post on Instagram
Paliwanag ni Yamyam noon, “Alam kung immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kit ng ‘papayag ka ba na maging asawa ko?'”
Biro pa niya, “Kung sinabi mong ‘NO’ andali lang isauli ng singsing na binli ko.”
Nitong September naman, ipinasilip ni Yamyam ang ipinapatayo niyang bahay para sa kanyang pamilya sa Bohol.
Sumikat si Yamyam matapos siyang hirangin bilang ultimate grand winner sa “Pinoy Big Brother: Otso” noong 2019.