Kung ang ibig sabihin ng salitang “basurero” ay literal na pangongolekta ng mga basura, tila’y taliwas naman ito sa success at recognition na tinatamasa ngayon ng pelikulang “Basurero” na pinagbidahan ni Jericho Rosales dahil simula nang ito’y ipinalabas, patuloy lang naman ito sa paghakot ng awards sa international na film fest!
Credit: @jerichorosalesofficial Instagram
Taong 2019 nang unang ipinalabas ang pelikulang “Basurero” kung saan ay umiikot ang storya nito sa isang mangingisda na si Bong. Dahil sa kanyang malaking pamilya, hindi sapat ang kanyang kakarampot na kinikita sa pangingisda kaya napilitan siyang sumabak sa isang illegal na gawain.
Imbes na manghuli ng isda, pagtatapon ng mga b@ngkay sa dagat ang kanyang ginagawa upang patuloy na masuportahan financially ang kanyang pamilya. Highlight ng pelikulang ito ay ang matinding kahirapan ng bansa at ang maralitang pamumuhay ng karamihan.
Dahil sa makatotohanang storya na ito, marami ang na-touch. Sa katunayan, umabot na nga ito sa ibang bansa dahilan kung bakit ilang beses na nanalo ng awards at ilang ulit itong na-nominate sa malalaki at internasyonal na film fest.
Credit: @jerichorosalesofficial Instagram
Noong una, kinilala bilang pinakamahusay na internasyonal drama ang “Basurero” sa NewFilmmakers Los Angels (NFMLA) at na-nominate rin si Jericho Rosales na siyang gumanap sa karakter ni “Bong” bilang “Best Actor” sa parehong film fest ngunit hindi lamang dito natatapos ang success ng pelikula dahil maaalala rin sa premiere nito, nakipag-compete rin ang “Basurero” sa ika-24 Busan International Film Festival sa South Korea noong 2019 at makaraan ang mahigit dalawang taon, muli na naman itong na-recognize sa isa pang internasyonal na festival na ginanap sa Tribeca, New York.
Credit: @jerichorosalesofficial Instagram
Sa post ng @basurerofilm sa kanilang Instagram account, ibinahagi nito sa publiko na nanalo ang “Basurero” sa Auntyland Film Fest kung saan ay itinanghal ito bilang “Grand Jury Best Global Film”.
Sa achievement na ito ng “Basurero” team, ibinahagi ni Jericho ang kanyang nag-uumapaw na kasiyahan sa kanyang IG story kung saan ay mababasa sa kanyang caption ang, “The most hardworking short ever! Congrats guys!”
Credit: @jerichorosalesofficial Instagram
Talagang abot hanggang international ang talento ng mga Pinoy. Congratulations kay Direk Eileen Cabiling, kay Jericho Rosales na siyang gumanap bilang si “Bong,” at sa lahat ng artista, producers, staff at crews na nasa likod ng tagumpay ng pelikulang “Basurero!”