Philmar Alipayo, hindi napigilan ang kilig matapos masilayan ang kanyang “dream car”

Ano nga ba ang pangarap na gustong-gusto makamit ni Philmar Alipayo? Ang matagal nang tanong ng karamihan ay nabigyan na rin ng sagot!

Credit: @chepoxz Instagram

Isa si Philmar sa mga hinahangaang propesyonal na surfer na tubong-Siargao dahil sa kanyang angking kahusayan na tila ba’y kaibigan na niya ang bawat alon na sumasalubong sa kanya sa tuwing nagpapakitang-gilas sa larangan ng surfing. Maliban sa pagkakakilanlan niyang ito, kilala rin siya ng karamihan bilang ang gwapo at hunk na fiancé ni Andi Eigenmann.

Ngayon ay namamalagi sa isla ng Siargao si Andi at Philmar kasama ang kanilang mga anak kung saan ay mapayapa at masaya silang namumuhay. Malapit sa kalikasan na talaga namang nagpapagaan ng loob, malaki ang pasasalamat ng aktres na nakilala niya si Philmar at nahanap na rin sa wakas ang matagal ng inaaasam na kapayapaan.

Kilala bilang isang simpleng tao, halos wala ng iba pang mahihiling si Philmar kundi ay ang makapiling ang kanyang pamilya ngunit may iilan pa ring netizens na hindi naiwasan ang makaramdam ng curiosity tungkol sa mga bagay na talagang pinapangarap ni Philmar para sa sarili.

Credit: @chepoxz Instagram

Katulad ng karamihan sa mga kalalakihan, mahilig din ang fiancé ni Andi sa mga sasakyan at hindi lamang basta-basta ang gusto niyang sasakyan dahil isa lang naman itong Rubicon Jeep!

Sa pinakabagong post ni Philmar, makikitang nakasakay siya sa kanyang “dream car” at napakalaki pa ng ngiti sa bawat larawang ibinahagi.

“Dream car Ya!” pahayag ni Philmar sa kanyang caption.

Credit: @chepoxz Instagram

Ngunit hindi easy para sa professional surfer ang matupad ang pangarap at mabili ng basta-basta ang sasakyan dahil may pamilya rin siyang itinataguyod at may mga anak na kailangang unahin sa lahat ng pagkakataon.

Isinantabi man ang bagay na gustong makamit para sa sarili, hindi naman nakaramdam ng lumbay at pagkabigo si Philmar dahil kuntento na naman siya nang nakakapagpa-picture sa kanyang pinapangarap na sasakyan!

Credit: @chepoxz Instagram

Bibihira man marinig galing sa isang lalaki, proud na ibinahagi ni Philmar sa kanyang followers na labis ang kanyang naramdamang kilig nang nasilayan at nagkaroon pa ng picture kasama ang kanyang “dream car”.

“pa picture only, I’m kiligers 🚗,” ayon sa kanya.

Credit: @chepoxz Instagram

May mga pagkakataon talaga sa buhay na kahit na’y gustong-gusto mong mapasa’yo ang isang bagay, kinakailangan mo itong pag-isipan ng mabuti lalo na’t may iba pang bagay na kailangan nating mas pagtuunan ng pansin at atensyon.

Determinado sa kanyang buong buhay, malaki naman ang paniniwala ni Philmar na balang-araw ay makakamit niya ang kanyang pangarap na sasakyan kasabay ng panalangin at mataimtim na dasal.