Philmar Alipayo, muling pinabilib ang mga netizen matapos siyang mag-surf sa isang napakalaki at mala-kristal na alon!

Sa Pilipinas, maraming mahuhusay sa larangan ng surfing dahil nga naman sa napakaraming beach at surfing spots na matatagpuan dito sa atin. Madalas naman na dayuhin ang isla ng Siargao dahil tinagurian itong surfing capital ng Pilipinas. At sa Siargao rin matatagpuan ang ilan sa mga mahuhusay na surfers ng bansa.

Credit: @chepoxz Instagram

Isa naman sa mga pinakamagaling sa lahat ay ang champion surfer na si Philmar Alipayo. Kamakailan muling pina-wow ni Philmar ang mga netizen matapos tila walang kahirap-hirap siyang nakisabay sa mga naglalakihang alon sa isa sa mga sikat na surfing spot sa isla na Tuason Point.

Umani rin ng maraming paghanga si Philmar dahil sa isang larawan na talaga namang nakakabilib tingnan. Makikita sa nasabing larawan ang pagsi-surf ni Philmar sa isang napakalaking naka-curve na alon na mala-kristal ang linaw at kulay.

Sa surfing, tinatawag ang ginawa ni Philmar na “tube riding”, isa sa mga pinakamahirap ngunit pinakapaboritong gawin ng mga surfing enthusiast.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Kaya naman marami ang humanga sa galing ni Philmar dahil tanging magagaling at hasa na sa pagsi-surf ang nakakagawa sa ginawa niya.

Pinuri rin ng maraming netizens ang photographer na kumuha ng litrato ni Philmar na si Oli Bayer dahil hindi maipagkakailang perfect ang pagkakakuha niya rito.

Credit: @chepoxz Instagram

Maliban sa nasabing litrato, isang video rin ang ibinahagi ni Philmar kung saan ay mapapanood ang nakakabilib na pagsi-surf niya.

Sa ngayon, mahigit 150K na ang nakapanood sa video ng astig na pagsi-surf ni Philmar. Maraming netizens ang napa-wow sa galing sa surfing ni Philmar at kabilang dito ang surfing enthusiast din na si Jericho Rosales. Komento ng netizens:

“Best surfer in the PH”

“Magaling wala pa pilipino magaling mag-surf sa pinas ikaw pa lang philmar galing mo mag-surf”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

“Pang-international grabe ka galing”

“Mapapawow ka nalang sa galing”

“Its amazing how you can get through with those waves not stumbling”

Credit: @chepoxz Instagram

Si Philmar ay isa sa mga pambato ng Pilipinas sa mga surfing competition. Makailang beses na rin siyang nanalo sa mga kumpetisyon na kanyang sinasalihan.

Maliban sa pagiging propesyunal surfer, kilala rin ng lahat si Philmar bilang fiancè ni dating TV actress Andi Eigenmann.

Credit: @chepoxz Instagram

Sina Philmar at Andi ay mayroon nang dalawang anak na sina Lilo at baby Koa. Napapanood naman sila ng kanilang mga tagahanga sa kanilang family YouTube channel na “Happy Islanders”.