Hinahangaan sa larangan ng surfing ang soon-to-be husband ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo. Isang professional surfer, si Philmar ay madalas na maging pambato ng ating bansa sa iba’t ibang surfing competitions.
Credit: Happy Islanders YouTube
Tubong Siargao si Philmar at sa isla rin sila unang nagkakilala ni Andi. Ngayon ay mayroon na silang dalawang anak na sina Lilo at Baby Koa at masaya silang naninirahan sa Siargao.
Inaabangan naman ng lahat ang kanilang mga nakakatuwang vlog na magpamilya sa kanilang YouTube channel na “Happy Islanders”. At kamakailan nga ay mapapanood sa panibagong vlog ng Happy Islanders ang masayang bakasyon nilang magpamilya sa hilagang bahagi ng isla sa Alegria, Burgos at Pacifico beach.
Credit: Happy Islanders YouTube
Sa kanilang latest trip, iba’t ibang activities ang ginawa nilang magpamilya. Kabilang dito ang pagbobonding nina Philmar at Lilo sa beach. Tinuruan nga ni Philmar si Lilo na mag-surf. Dahil sa ganda ng panahon ay nagawa ni Philmar na mag-surf habang inaalalayan niya ang masayang-masayang si Lilo.
Bata pa lang ay makikita na talaga ang hilig ni Lilo sa dagat at surfing. Matapang at hindi takot sa alon si Lilo na makikita sa naging reaksyon niya tuwing may nakakasalubong silang alon habang nagsi-surf. Halatang nag-eenjoy si Lilo sa bonding nila ng kanyang Papa Philmar.
Credit: Happy Islanders YouTube
Maswerte naman talaga si Lilo dahil isang champion ang kanyang ama sa surfing at nagkaroon siya ng isang instant personal trainer. Kaya hindi na nakapagtataka kung sa hinaharap ay sumunod siya sa yapak ng kanyang Papa Philmar.
Pagkatapos naman ng father-and-daughter bonding nina Lilo at Philmar, oras naman ni Andi na makabonding si Lilo. Mapapanood sa vlog ang pagkukulitan ni Andi at Lilo habang nasa loob ng kanilang kwarto.
Samantala, sa sumunod na vlog ng Happy Islanders ay muling mapapanood ang pagtuturo ni Philmar ng surfing kay Lilo. Ipinakita muli ni Lilo ang kanyang katapangan at walang takot siyang tumayo sa kanyang surfing board. Wala namang dapat ikatakot si Lilo dahil parating nasa kanyang likod ang kanyang Papa Philmar.
Kung si Lilo ay tinuruan ni Philmar na mag-surf, tinuruan nama ni Andi si Lilo paano mag-drawing, magkulay at magbasa.
Good vibes nga naman ang hatid ng north trip vlog ng Happy Islanders fam sa mga netizen. Sa ngayon, mahigit 1 million na ang nakapanood sa kanilang vlog sa YouTube.