Phoemela Baranda, buntis sa kanyang ikalawang anak sa edad na 40

Ngayong araw, November 18, ay masayang ibinalita ni model-turned-TV host Phoemela Baranda na siya ay buntis sa kanyang pangalawang anak.

Credit: @phoemelabaranda Instagram   

Sa edad na 40, ay inanunsyo ni Phoemela na ipinagbubuntis niya ngayon ang unang anak nila ng kanyang boyfriend na si professional car racer at businessman na si Jason Choachuy. Sa kanyang Instagram ay nag-post si Phoemela ng isang letrato niya kung saan makikita ang kanyang lumalaki nang tiyan.

“Life Begins,” caption ni Phoemela sa letrato na kinunan ni Doc Merlon Pecjo para sa local magazine na Preview.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Sa panayam naman ni Phoemela sa Preview, ay ibinahagi niya na nasa second trimester na siya ng kanyang pagbubuntis.

Ibinunyag naman ni Phoemela na plinano nila ni Jason ang kanyang pagbubuntis. Aniya, pareho umano nilang gusto nang magkaanak.

Pagbabahagi ni Phoemela sa Preview, “I’ve always wanted another child, and my partner [wanted one] as well — it’s his first.”

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Inamin naman ni Phoemela na mas “mentally prepared” umano siya ngayon kaysa noong una siyang nanganak.

Matatandaang ipinanganak noon ni Phoemela sa edad na 19 taong gulang ang kanyang unang anak na si Kim Nichole Baranda na ngayon ay 21 taong gulang na.

“To be honest, I have some anxiet!es. It has been years since my last pregnancy, but I’m more excited to enter this new chapter,” saad ni Phoemela sa Preview.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Dagdag pa ni Phoemela, “This time the only difference is that I’m more mentally prepared but [I feel the] same amount of excitement and love especially that my partner and Kim are beside me for support.”

Masaya naman ang panganay ni Phoemela para sa kanya. Ani Kim, “I know a lot of things are going to change, but I’m happy for my mom because this is such a big blessing for us to have an addition to our family since it’s always been the two of us.”

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Ayon naman kay Kim, kahit na may bagong anak na ang kanyang ina ay alam niya na siya pa rin ang “forever baby” nito. Aniya, “I know I’ll still forever be her baby.”

Samantala, March 2021 naman nakatakdang ipanganak ni Phoemela ang kanyang ipinagbubuntis.