Matapos ang dalawang dekada mula nang ipinanganak niya ang kanyang unang anak na si Kim Nicole Baranda, ang model-host na si Phoemela Baranda ay biniyayaan muli ng panibagong anak ng Maykapal.
Credit: @phoemelabaranda Instagram
Nito lamang March 5, iniluwal ni Phoemela ang unang anak nila ng kanyang partner na si professional car racer-businessman Jason Choachuy. Pinangalanan naman nila Phoemela at Jason ang kanilang baby girl ng Illya Samantha.
Isang touching photo ang ipinost ni Phoemela sa kanyang Instagram upang kumpirmahin ang kanyang panganganak.
Credit: @phoemelabaranda Instagram
Makikita sa litrato na hinahalikan siya ni Jason habang nasa loob ng delivery room at yakap sa kanyang dibdib ang bagong silang na anak.
Pinasalamatan ni Phoemela sa caption ang mga taong nagdasal para sa kanyang ligtas na panganganak.
Credit: @phoemelabaranda Instagram
Aniya, “Thank you for all the prayers & well wishers👩🏻🍼Delivery went very smoothly, we’re safe & healthy. I got the best team of @martinpmanahanmd, from first month of my pregnancy till the delivery and @romeonuguidmd @ayenuguid for #Babyillya Thank you!”
Dagdag ni Phoemela, “Beyond happy with you by my side @jason_choa ❤️ Most of all thank you Lord for a beautiful, healthy baby 🙏🏼 I am forever grateful 😌”
Credit: @phoemelabaranda Instagram
Umulan naman ng mga congratulatory message para kina Phoemela at Jason mula sa kanilang malalapit na kaibigan sa showbiz.
Kabilang sa mga bumati sa celebrity couple sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Janno Gibbs, Bianca Manalo at Bubbles Paraiso.
Credit: @phoemelabaranda Instagram
November 2020 nang inanunsyo ni Phoemela ang kanyang pagbubuntis sa edad na 40. Kwento ni Phoemela sa kanyang panayam sa Preview.ph, planado ang kanyang pagbubuntis dahil gusto na nga nila ng kanyang partner na magkaanak.
“I’ve always wanted another child, and my partner [wanted one] as well —it’s his first,” ani Phoemela sa nasabing panayam.
Credit: @phoemelabaranda Instagram
Excited nga si Phoemela lalo na’t matagal din bago siya nagkaroon ng bagong anak.
Ang panganay ni Phoemela na si Kim ay isinilang niya noong 19 na taong gulang pa lamang siya. Ngayon nga ay 21 taong gulang na si Kim at pumasok na rin sa pag-aartista. Masaya naman siya para sa kanyang Mommy Phoemela sa pagkakaroon nito ng bagong baby.
Credit: @phoemelabaranda Instagram
Masasabi mo talagang “Life Begins at 40” para kay Phoemela sa pagdating ng bagong adisyon sa kanyang pamilya.