Phoemela Baranda, masaya at blooming na ipinagbubuntis ang baby girl nila ng kanyang non-showbiz partner

Isa na yata sa pinakaseksi at pinaka-blooming na buntis ngayon ang TV host at modelo na si Phoemela Baranda.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

At dahil nalalapit na ang panganganak ni Phoemela, isang baby shower ang isinagawa nila ng kanyang partner na si professional car racer at businessman Jason Choachuy.

Sa kanilang baby shower ay ini-reveal nina Phoemela at Jason ang kasarian ng kanilang magiging baby.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Ipinost ni Phoemela sa kanyang Instagram account ang ilang larawan nila ni Jason na kinunan mula sa baby shower ng kanilang unang anak.

Sa isang larawan ay makikita ang isang malaking kulay pink na cake na may nakalagay na “It’s a Girl”.
Isang babae nga ang ipinagbubuntis ni Phoemela na ipapanganak naman niya ngayong buwan.

Anunsyo ni Phoemela, “Yes we’re having a baby girl. All the more reason for cute pink shoes.”

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Hindi na nga sila makapaghintay ni Jason na makita ang kanilang bagong magpakukunan ng kasiyahan.

“We can’t wait to meet our little one. At this point you’re already so loved & we know you will be a bundle of joy to everyone…Our heart is full,” pahayag ni Phoemela sa Instagram.

Samantala, puspusan naman ang paghahanda ni Phoemela para sa kanyang nalalapit na panganganak na maaaring mangyari anumang araw ngayong buwan.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Nasa huling buwan na ng kanyang pagbubuntis si Phoemela kaya naman sinisigurado niya na handang-handa na siyang manganak.

“I’m 35 [weeks] now & I try my best to be active physically & mentally. Pilates boosts my flexibility, balance & prevents back pain by strengthening the pelvic floor and core muscles which support the spine. Its the perfect low-impact pregnancy workout (provided gives you clearance & do it only with the guidance of a certified trainer,” ani Phoemela.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

November 2020 nang ibinalita ni Phoemela na buntis siya sa kanyang pangalawang anak sa edad na 40.

Ikwenento noon ni Phoemela sa isang panayam na ang kanyang pagbubuntis ay plinano talaga nila ng kanyang partner.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Kampante naman si Phoemela dahil mayroon siyang malakas na support system. Dahil bukod sa kanyang partner, kasama rin ni Phoemela ang kanyang panganay na anak na si Kim Baranda.

Si Kim ang panganay na anak ni Phoemela na dumating sa kanyang buhay noong siya ay 18 taon gulang pa lamang.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Sa ngayon, isa nang college student si Kim at tulad ng kanyang Mommy Phoemela ay isa rin itong modelo at public figure.