Phylbert Angelli Ranollo o kilala sa kanyang screen name na Bea Alonzo ay isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng showbiz. Dahil sa mga karakter na kanyang ginanapan mapa-teleserye o pelikula man ay talaga namang naging patok ito sa mga manonood.
Credit: @beaalonzo Instagram
Dahil ito sa kanyang matagumpay na mga proyekto na nag-iwan ng marka sa industriya ng showbiz dahilan para marami ang taong humanga sa kanya.
Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Bea ay ang “One More Chance” at sequel nito na “A Second Chance” kung saan ay katambal niya si John Lloyd Cruz, “The Love Affair” kasama sina Dawn Zulueta at Richard Gomez na parehong kilala sa industriyang kinabibilangan, at “Four Sisters and a Wedding” na naglikha ng ingay sa maraming manonood.
Credit: @beaalonzo Instagram
Dahil sa taglay na kagandahan at kahusayan sa pag-arte ni Bea ay hindi naman talaga maitatanggi kung bakit isa siya ngayon sa mga sikat at highly-paid na aktres sa bansa.
Kamakailan lamang, halos magkasabay noong pagyanig ng p@ndemya sa bansa ay nasubok rin ang ABS-CBN, ang network na kinabibilangan ni Bea Alonzo. Dahil sa sinapit nitong pagsasara ay maraming artista ang nawalan ng trabaho. Ang iba pa nga ay halos nakalimutan na ng mga manonood at tila ba’y nawalan sila ng ningning sa mundo ng showbiz. Sa kabila ng nangyari ay nanatili pa rin ang ningning at patuloy na namayagpag si Bea Alonzo.
Credit: @gmanetwork Instagram
Nito lamang nakaraan, nagsimula ang pag-usbong ng mga rumors patungkol sa paglipat ni Bea sa kabilang network na GMA pero hindi ito kinumpirma at binigyang-linaw ng aktres.
Naging kontrobersyal kamakailan nang naglabas ng statement ang GMA tungkol sa isang aktres sa kabilang network na nakuha na umano nila at napabalitang isa ng Kapuso star.
“AN AWARD-WINNING ACTRESS WILL SOON BE A KAPUSO,” ayon sa inilbas na statement ng GMA.
View this post on Instagram
June 30, 2021 nang natuldukan ang spekulasyon ng karamihan at kinumpirma nga ng GMA Network sa isang closed door meeting na si Bea Alonzo nga ang bagong big star ng Kapuso Network.
Bago lumipat si Bea sa GMA ay namalagi siya sa ABS-CBN Network sa loob ng 19 na taon.
Credit: @gmanetwork Instagram
Matatandaan din kamakailan na nagkaroon ng contract signing si Bea kasama si Alden Richards nang inilabas ng press na magkakaroon sila ng movie ng magkasama. Sa paglipat ni Bea sa GMA ay marami ang sumusuporta at excited na makita ulit ang bangis sa pag arte ng isang Bea Alonzo sa telebisyon.