Pia Guanio, looking young at happy nang simpleng ipinagdiwang ang kanyang 47th birthday sa kanilang tahanan kasama ang kanyang pamilya!

Sa edad na 47, talaga namang feeling young at napakablooming ng beteranang host na si Pia Guanio.
Noong nakaraang October 24, masayang nagdiwang si Pia ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Credit: @piaguanio_magno Instagram

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Pia ang larawan niya kasama ang kanyang asawang si Steeve Mago at kanilang dalawang naggagandahang mga anak na sina Scarlet Jenine at Soleil Brooklyn.

Looking happy at contented si Pia sa mga litrato kasama ang kanyang pamilya habang sinicelebrate ang kanyang 47th birthday sa kanilang tahanan.

Sa kanyang kaarawan, isinulat ni Pia sa caption na nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil sa kanyang magandang pamilya. Nilakipan pa ni Pia ang kanyang post ng “#birthdayparin.”

Credit: @piaguanio_magno Instagram

Bumaha naman ang pagbati para kay Pia mula sa kanyang mga tagahanga. Komento nila:

“Happiest birthday Ms. P! May you’ll be bless with good health and joy all year round.”

“Happy birthday ms: @piaguanio_mago >Enjoy Gods gift given you today. God bless”

“You deserve the best, Ms. P! Happy Birthday”

Credit: @piaguanio_magno Instagram

“Happy birthday po mam pia i miss u all”

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na isa si Pia sa mga beteranang host at batikang showbiz reporter sa showbiz industry.

Matatandaang nakuha ni Pia ang kanyang malaking break sa industriya bilang host nang mapabilang siya sa longest running noontime show sa Pilipinas na “Eat Bulaga” noong 2004 kung saan naging regular host siya.

Mas lalo namang nakilala ang galing sa pagre-report ni Pia noong naging parte siya ng showbiz segment ng 24 Oras na Chika Minute. Gayunpaman, pagkatapos ng 11 taon na pagiging anchor ay nagpasya si Pia na umalis sa nasabing segment noong Mayo 2015.

Credit: @piaguanio_magno Instagram

Ayon sa kanyang pahayag sa Twitter, nagpasya siyang iwanan ang kanyang anchoring job sa 24 Oras para magkaroon siya ng maraming oras na makasama ang kanyang asawang si Steeve Magno at kanilang panganay na si Scarlet Jenine.

Samantala, kasalukuyang nagtataka ang fans kung bakit hindi na nagho-host si Pia sa Eat Bulaga. Hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Pia tungkol sa kanyang pagliban sa show.

Sa panahon naman ng qu@rantine ay talagang sinusulit ni Pia ang kanyang maraming oras para makasama at maka-bonding ang kanyang mga anak at asawa.

Credit: @piaguanio_magno Instagram

Mas inaalagaan din ni Pia ang kanyang katawan at kalusugan ngayong panahon ng qu@rantine at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa maraming netizens ang kanyang fitness journey.

Sa ngayon, bahagi si Pia sa morning show ng NET25 na “Kada Umaga.”