Pia Guanio, pinabilib ang marami dahil sa pagpapanatili niya sa kanyang fit na katawan sa kabila ng pagkakaroon na niya ng dalawang anak!

Maraming netizens ang bilib na bilib ‘Dabarkads’ host na si Pia Guanio dahil kahit mayroon na siyang dalawang anak ay napanatili pa rin niya ang kanyang seksing hubog at fit na pangangatawan.

Credit: @piaguanio_mago Instagram

Sa kanyang Instagram account ay ibinida ni Pia ang kanyang hot at s3xy body. Talaga namang isa sa mga inspirasyon ng marami si Pia pagdating sa pagkakaroon ng fit at healthy na katawan.

Body goals na maituturing ang fit na katawan ni Pia at maging ang kanyang disiplina para mapanatili ito.

Aminado naman si Pia na nakatulong sa determinasyon niyang maging fit at healthy ang kanyang asawang si Steeve Magno.

Matatandaang noong 2011 ay ikinasal si Pia sa negosyanteng si Steeve sa isang pribadong seremonya sa Ayala, Alabang.

Credit: @piaguanio_mago Instagram

Sa ngayon ay mayroon nang dalawang anak sina Pia at Steeve na sina Scarlet Jenine at Soleil Brooklyn.

Isa naman sa mga bonding nilang mag-asawa ay ang pagwo-workout. Tulad kasi ni Pia ay isa ring fitness enthusiast si Steeve. Kaya naman ‘dependable work-out partner’ umano niya ang kanyang asawa. Kwento pa ni Pia, pinapaalala palagi ni Steeve sa kanya ang kahalagahan ng pag-eehersisyo.

“When I feel like skipping a workout, a dependable work-out partner keeps me in check and pushes me to the limit. During this quarantine, my husband Steeve motivates me and reminds me how working out makes me feel so much better physically, mentally and emotionally,” pahayag ni Pia sa Instagram.

Nagbunga naman ang dedikasyon ni Pia na mag-ehersisyo dahil ngayon nga ay kapansin-pansin ang kanyang pagiging blooming at fit kahit pa dalawa na ang kanyang anak. Maliban dito, pinuri rin ng maraming netizens ang mas batang mukha ni Pia sa edad na 46. Komento ng netizens:

Credit: @piaguanio_mago Instagram

“Ang s3xy ni Ms. Pia parang walang anak no need na mag work out”

“Wow s3xy and beautiful”

“Sooo pretty Ms. Pia paganda ng paganda”

“Walang kupas ang ganda mo Ms. Pia!”

Credit: @piaguanio_mago Instagram

Isa sa mga beterana na pagdating sa pagho-host si Pia. Nagsimula ang karera ni Pia sa telebisyon noong 1999 nang maging traffic reporter siya para sa CALTEX Roadwatch.

Bago lumipat sa Kapuso network, naging host muna si Pia sa Kapamilya morning show na ‘Alas Singko Y Medya.’ Taong 2003 naman nang umusbong pa ang kasikatan ni Pia matapos siyang mapabilang sa longest-running noontime show sa bansa na ‘Eat Bulaga.’

Gabi-gabi rin na napapanood si Pia sa showbiz segment ng ’24 Oras’ na ‘Chika Minute’ hanggang noong 2015 ay inanunsyo niya ang kanyang pag-alis sa programa pagkatapos ng 11 taon niyang pagiging reporter para tutukan ang kanyang lumalaking pamilya.

Kahit wala na siya sa 24 Oras, patuloy pa rin ang karera ni Pia sa pagho-host at sa kasalukuyan kabilang siya sa mga pinakamatagal nang host ng Eat Bulaga.