Pia Wurtzbach at boyfriend nito na si Jeremy Jauncey, bumisita sa Albay at tumulong sa mga mangingisda

Malapit talaga sa puso ng iilan ang pagta-travel at pagbisita sa iba’t-ibang lugar dahil nakakatanggal naman kasi ng stress at pagod ang pakikipag-ugnay sa nature kaya naman pagkatapos ng sobrang busy na schedule, walang pinalagpas ang entrepreneur na si Jeremy Jauncey at lumipad papunta dito sa Pilipinas upang makapagbakasyon kasama ang kanyang girlfriend na si Pia Wurtzbach.

Credit: @jeremyjauncey Instagram

Isa talagang perfect match si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey dahil pareho silang mahilig sa pagta-travel. Makikita naman sa kani-kanilang Instagram account na sobrang dami na nilang lugar na nabisita kaya para na ring nakapagbakasyon ang kanilang fans at followers dahil sa patuloy na pagbabahagi ng couple ng mga larawang kuha nila sa magagandang tanawin na binibisita.

Matapos ang mahaba-habang bakasyon ng couple sa Switzerland, nasa Pilipinas naman sila ngayon kung saan ay nagpunta sila sa Albay upang i-enjoy ang tanawin ng Mayon Volcano.

Ayon kay Jeremy, isa umano sa mga naging paksa nila ng girlfriend ay ang natural na kagandahan ng Pilipinas kaya naman hindi talaga siya nagsasawa na pabalik-balik dito.

Credit: @jeremyjauncey Instagram

“Exploring more of the Philippines is something we’ve discussed doing since we first got together 😉🇵🇭,” pahayag ni Jeremy sa kanyang caption kalakip ng larawan nila ni Pia kung saan ay makikita silang magkayakap at nakatingin sa isa’t-isa habang background naman nila ang Mayon Volcano.

Pagkukuwento pa ni Jeremy, taong 2016 nang una siyang bumisita dito sa Pilipinas lalo na sa mga probinsya kaya naman nang natunghayan niya kung gaano kayaman ang natural na kagandahan at resources sa bawat lugar na pinupuntahan, talagang walang katapusan ang positibo niyang mga komento at papuri.

Credit: @jeremyjauncey Instagram

“In 2016 when I first visited, I got a flavor of the country’s natural beauty by going out into the provinces and exploring….. so this time around we’ve ventured to Albay, home of the volcano you see behind us- Mount Mayon,” sabi ni Jeremy.

Dagdag pa niya, “The Philippines is so rich in natural beauty, resources and warm welcoming people but there are few places on earth that can be as impacted by climate disasters as this part of the world.”

Credit: @jeremyjauncey Instagram

Sa kanilang pagpunta sa Albay, hindi lamang bakasyon ang kanilang naging layunin dahil sumali at sinuportohan din nila ni Pia ang campaign ng World Wide Fund for Nature Philippines upang matulungan ang mga mangingisda na makaahon at maipatayong muli ang nasira nilang mga bahay dulot ng tatlong magkakasunod na bagyo nitong nagdaang mga buwan.