Pinay Olympian na si Hidilyn DIaz, abot-langit ang ngiti matapos matanggap ang ipinangakong bagong sasakyan ng Ayala Corporation!

Sa wakas ay natanggap na ng Pinay Olympic Weightlifting champion na si Hidilyn Diaz ang ipinangakong bagong sasakyan sa kanya ng Ayala Corporation at Kia Philippines na isang Kia Stonic.

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Matatandaang isa lamang ang Ayala Corporation sa napakaraming private companies na nangakong magbibigay ng gantimpala kay Hidilyn sa pagkapanalo nito ng gintong medalya sa katatapos lamang na Tokyo Olympics 2020.

At nito lamang August 6, opisyal nang nakuha ni Hidilyn ang sasakyan na isa sa “gift of gratitude” ng nasabing private corporation para sa kanya dahil sa karangalang naiuwi niya para sa bansa. Tinawag pa ng kumpanya si Hidilyn bilang isang “Atletang Magiting.”

Credit: @hidilyndiaz Instagram

Pahayag ng Ayala Foundation President na si Ruel Maranan, “Maraming salamat sa lahat ng iyong hirap, pagtyatyaga, sakripisyo at mataimtim na pananampalataya, tunay kang isang Atletang Magiting. KI-nayang A-butin ang ating gintong pangarap. Tanggapin mo ang munting alay namin, sasakyan ng Kampeon.”

Samantala, marami naman ang natuwa sa mga litratong ibinahagi ng Ayala Corporation sa kanilang Facebook page na kuha mula sa turn-over ceremony ng bagong sasakyan ni Hidilyn.

Makikita kasi sa isang litrato si Hidilyn na tila binubuhat ang sasakyan na parang isang barbell.

Credit: @ayalafoundation Facebook

“‘Need a lift?’ takes on a new meaning as Olympic gold medalist Hidilyn Diaz playfully ‘lifts’ her new SUV,” caption ng Ayala Foundation, Inc. sa nasabing litrato.

Sa isang litrato, makikita naman si Hidilyn na abot-langit ang ngiti habang nasa loob ng driver seat katabi ang kanyang coach-boyfriend na si Julius Irvin Naranjo.

Labis naman ang pasasalamat ni Hidilyn sa kumpanya dahil sa ipinagkaloob nitong sasakyan sa kanya.

Credit: @ayalafoundation Facebook

Ayon pa kay Hidilyn, “Thank you sa pag-recognize sa pagka-panalo ko. Thank you so much na na-appreciate ninyo yung nagawa ko para sa bansa.”

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na umabot sa mahigit 50 million ang kabuuang ‘incentives’ na matatanggap ni Hidilyn mula sa gobyerno at iba’t ibang kumpanya.

Maliban nga sa sasakyan at cash rewards, nakuha na rin ni Hidilyn kahapon, August 9, ang ipinangako ng Megaworld Corporation na isang magarang condo unit sa Eastwood City na nagkakahalaga umano ng 14 million.

Credit: @ayalafoundation Facebook

Si Hidilyn ang kauna-unahang Pilipinong atleta na nakapag-uwi ng gintong medalya sa prestihiyosong palaro. Kaya naman labis na labis ang pagkilala na kanyang natanggap dahil sa malaking karangalan na ibinigay niya sa bansa.