Pinoy rapper-songwriter Gloc-9, ibinenta ang ilan sa kanyang koleksyong sapatos para tulungan ang mga naapektuhan ng bagy0

Para makalikom ng pondo para ibigay sa mga biktima ng nagdaang bagy0ng Ulysses, ipinagbili ng sikat na Pinoy rapper-songwriter na si Gloc-9 ang ilan sa mga koleksyon niya ng mamahaling sapatos. Sa mga hindi nakakaalam, kilala si Gloc-9 na mahilig mangolekta ng mga sapatos.

Credit: @glocdash9 Instagram     

Ibinunyag noon ni Gloc-9 sa isang panayam sa MYXph.com na naging “bisy0” na umano niya na bumili ng mga sapatos.

“So nung nagkaroon ako ng chance na bumili ng ma-ayus-ayos na sapatos, eto na yata yung naging bisyo ko talaga,” pag-amin ni Gloc-9 sa nasabing panayam.

Credit: @glocdash9 Instagram

Sa kanyang Instagram post nitong November 13, isang araw matapos manalasa ang bagy0ng Ulysses sa malaking bahagi ng National Capital Region, ay inanunsyo ni Gloc-9 na ipagbibili na niya ang ilan sa mga koleksyon niya ng Air Jordan.

Ayon pa kay Gloc-9, hindi na umano niya nagagamit ang mga ipinagbibili niyang mga sapatos. Kaya naman kaysa nakatambak lang ang mga ito, mas mabuti na raw na maibenta para mapakinabangan ng mga mas nangangailangan.

Credit: @glocdash9 Instagram

Aniya, “Presyohan nyo na!!! wala nang arte arte! Di ko naman na nagagamit yan mga yan. Mas mabuti mapakinabangan yung mapag bentahan ng mga mas nangangailangan.”

Nag-iwan din ng numero si Gloc-9 sa kanyang IG post para sa mga interesadong bumili ng mga sapatos.

Credit: @glocdash9 Instagram

“Yung mga interesado mag txt lang po kayo ng bid nyo sa (0939) 923 6246. Maraming Salamat 🙂 ingat kayo lagi,” saad ni Gloc-9.

Kalakip ng caption ng kanyang IG post ay ang mga larawan ng pares ng iba’t ibang Air Jordan shoe model niya.

Tatlong pares ng sapatos ang ipinagbibili ni Gloc-9. Isang pares ng Air Jordan Retro, Air Jordan Legacy 312 Low at Air Jordan Legacy 312.

Credit: @glocdash9 Instagram

Sa huling bahagi ng kanyang Instagram post, hinimok ni Gloc-9 ang lahat na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga nagdaang k@lamidad.

Aniya, “HUWAG MAWAWALAN NG PAG ASA, UMAARAW NA ULIT!! :))) #kayanatinito”

Samantala, kamakailan lamang ay nag-viral ang “house tour” vlog ni Gloc-9 sa YouTube. Kakaiba kasi ang paraan ng pagpapakita ni Gloc-9 sa kanyang bahay.

Malayo sa nakagawian na ng ibang mga YouTube vlogger, ibinida ni Gloc-9 ang kanyang bahay sa pamamagitan ng isang music video.

Credit: @glocdash9 Instagram

Nagbigay inspirasyon din sa netizens ang isinulat niyang kanta na “Bahay ni Gloc-9” dahil sa magandang mensahe ng kanta na naka-sentro sa kanyang pagsisikap at pagtitiyaga sa buhay para maipatayo ang kanyang bahay.

Sa ngayon, ay umabot na sa mahigit 600K ang views ng kanyang video na “Bahay ni Gloc-9”.