Piolo Pascual, ipinasilip ang payapa at simpleng pamumuhay sa kanyang beach house sa Batangas!

Lahat ng mga kilalang artista ngayon ay may kani-kanilang santuwaryo kung saan sila ay naninirahan ng masaya at tahimik malayo sa maingay na mundo ng showbiz at siyudad.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Tila isang santuwaryo naman kung ituring ni hunk actor Piolo Pascual ang kanyang tahanan sa Batangas na dating isang dive resort.

Kamakailan lamang, ipinasilip ni Piolo sa YouTube channel ng celebrity doctor na si Vicki Belo ang kanyang tahanan sa Batangas na kasalukuyan niyang pinapaganda at inaayos.

Hands-on si Piolo sa pagpapaganda ng kanyang property at siya mismo ang gumagawa ng mga construction work.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Mapapatunayan mo naman na isang “certified plantito” si Piolo kapag nakita mo ang hindi mabilang na halaman at bulaklak na nakapaligid sa kanyang bahay.

Nakakwentuhan nga ni Vicki at ng kanyang mister na si Hayden Kho si Piolo. Ibinahagi ni Piolo sa mag-asawang doktor ang dahilan kung bakit na-in love siya sa kanyang tahanan sa Batangas.

Kwento ni Piolo, kaya niya gustong-gustong tumira sa kanyang beach house ay dahil nakakapagrelax siya roon. Bukod dito, payapa at malapit din sa kalikasan ang kanyang tahanan kaya mas nagkakaroon siya ng “quiet time” at “privacy”.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Ani Piolo, “It’s nice. It’s so quiet and it’s so serene.”

Dagdag niya, “I practically live here. It’s a respite. It’s whenever I would think of going away, away from the lights, the busyness, the urban living. Here, it’s all nature, you see the beach, you see the mountains. I hike around…It’s all nature.”

Kapag may trabaho si Piolo sa Maynila ay umuuwi pa rin siya sa Batangas. Kaya rin umano gusto niya sa kanyang beach house ay dahil malapit lamang ito sa Maynila kaya madali lamang sa kanyang makauwi.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Aniya, “You know, the reason why I’ve always wanted to be here was because it’s quiet. It’s a drive away. You don’t have to fly. You don’t have to lock yourself in a room to have your privacy. Here you have it. I have areas where I can just have my quiet moments, my quiet time.”

Mula naman nang tumira si Piolo sa kanyang beach house ay napagtanto niyang kailangan ng isang tao na lumayo mula sa ingay ng mundo at pahalagahan ang mga simpleng bagay sa kanyang paligid.

Aniya, “You need to quiet down. It’s a matter of just really appreciating everything around you. The simplest things in life are actually free. It’s one way to recharge, ‘yun naman talaga ‘yun. Kasi masyado tayong on the go every time.”

Samantala, plano namang gawing “earth village” ni Piolo ang kanyang tahanan kung saan “sustainable life” ang magiging klase ng kanyang pamumuhay.

44 na taong gulang na si Piolo at sa ngayon, walang napapabalitang kasintahan niya. Mayroon naman siyang isang anak na si singer-actor Iñigo Pascual.