Alam niyo ba na may unique at wholesome na tradisyon ang pamilyang Pangilinan? Maaaring isa ito sa kanilang sikreto sa pagkakaroon ng magandang pagsasama bilang pamilya.
Credit: @anthonypangilinan Instagram
Isa lamang ang pamilyang Pangilinan sa mga sikat na family sa industriya ng showbiz at sa pagiging family goals nila, talaga namang sinusubaybayan sila ng karamihan. Kahit na’y exposed at napaka-open man sa publiko, hindi pa rin maiwasan ng kanilang fans na malaman kung paano nga ba napapanatili ng mag-asawang Maricel at Anthony Pangilinan ang kagandahan ng kanilang pamilya.
Maliban sa kanilang get-together at bonding, may tradisyon din ang pamilya katulad na lamang ng pagkakaroon ng date kasama ang kanilang mga anak.
Nito lamang Biyernes, January 21 nang ikinuwento ng beteranong aktor sa Instagram na napagdesisyunan nila ng kanyang asawa na si Maricel na i-date ang kanilang mga anak nang magkahiwalay ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nauwi ang plano nilang ‘separate date’ sa nakakaaliw at cute na coincidence.
Credit: @anthonypangilinan Instagram
“So, Hannah and I decided to go on a breakfast date, and Maricel and Donny decided sila na rin…” kuwento ni Anthony kalakip ng ibinahagi niyang larawan sa kanilang pamilya habang nasa isang restaurant.
Dagdag pa niya, “Without us aligning, we ended up in the same place! (But we ate in separate tables 😅) Hahaha, 2 sets of “Min-MEs” come together.”
Hindi ipinaalam ng magkapatid na si Donny at Hannah sa isa’t-isa kung saan sila ide-date ng kanilang parents kaya naman ganoon na lamang sila kagulat nang nakitang present silang lahat sa parehong restaurant. Talagang isang cute na coincidence!
Credit: @mommymaricel Instagram
“Date your spouse, your kids and your parents. One of the few practices we have held on to through the years,” pahayag ni Anthony.
Nagbahagi rin siya ng isang quote na, “‘It’s not what on the table that matters. Its who in the chairs.'”
Samantala, proud naman na ibinahagi ni Maricel sa kanyang followers na ang panganay niyang anak na si Donny ang kanyang date.
“My date. 🥰 Connecting eye to eye, heart to heart with my twin. It’s the kind of bost that goes a long way especially these days… Make time for each other. Just make time,” sulat ni Maricel sa kanyang caption kalakip ng larawan ni Donny na nakasuot ng mask at cap.
Credit: @mommymaricel Instagram
Pinagkagulahan naman ng fans ni Donny ang comment section sa mismong post ng kanyang Mommy Maricel. Of course, napakagwapo at charismatic naman kasi ni Donny Pangilinan na kahit si Karen Davila ay hindi napigilang kiligin.