Pokwang, ikwinentong nangibabaw ang awa niya para sa taong tumangay ng kanyang pera

May mga panahon talaga sa buhay na nakararanas tayo ng labis na kahirapan kaya dobleng effort din ang ating ginagawa upang makaahon ngunit sinusubok talaga tayo ng panahon bago makamit ang tunay na kaginhawaan.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Isa si Marietta Subong O’Brian o mas kilala sa kanyang pangalan na “Pokwang” sa mga sikat na aktres at komedyante sa industriya ng showbiz. Sa maraming taon niyang pananatili sa showbusiness, nagawa ni Pokwang na makamit ang kasikatan dahil sa kanyang talento sa pag-arte. Maliban dito, mahusay din siya sa pagbibigay ng katatawanan dahilan kung bakit kabilang siya ngayon bilang isa sa mga phenomenal na comedienne sa mundo ng entertainment.

Dahil sa kanyang promising na qualities bilang isang aktres, marami na ring pinagbidahang pelikula si Pokwang katulad na lamang ng “A Mother’s Story,” “Wang Fam,” at “Mommy Issues” kung saan ay nakasama niya sina Ryan Bang, Sue Ramirez, Jerome Ponce, at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Sa pagdating ng p@ndemya, maraming tao ang naapektuhan at nawalan ng trabaho katulad na lamang ni Pokwang na kahit nasa entertainment man ay sobra pa rin na naapektuhan ngunit nagawa naman niya itong solusyunan at sumabak sa pagne-negosyo. Isa na nga sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang lechon manok ngunit hindi ito naging madali para kay Pokwang dahil minsan na rin siyang sinubok noong sinisimulan pa lamang niya ang nasabing negosyo.

Ngayon na lumalaki na ang kanyang negosyong lechon manok, nagpagawa si Pokwang ng customized na ihawan ngunit sa hindi niya inaasahang pagkakataon, wala siyang natanggap at nawala pa ang perang ibinayad niya na nagkakahalaga ng 58,000.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Ayon sa aktres, plano niya sanang ipa-Tulfo ang taong tumangay sa kanyang pera pero nangibabaw umano ang kanyang awa nang nalaman niya ang kalagayan nito.

“Pero ‘nung tiningnan ko sa Facebook ‘yung kalagayan nila, nawala iyong galit ko. Naiinis pa rin ako kasi parang feeling ko, ‘tinutulungan ko na kayo eh,'” emosyonal na saad ni Pokwang.

Dagdag pa niya, “Nakikita ko may mga maliliit na anak pero sana nagsabi na lang kayo sa’kin para matulungan ko pa kayo kasi ‘pag pinost ko ‘yun sa social media, maraming o-order sa’yo eh.”

Pagkukuwento pa ni Pokwang, sobrang s@kit umano sa pakiramdam ang manawakan ng pera lalo na’t pagod at pawis ang ginawa niya upang makaipon ng ganoon kalaking pera pero pinili pa rin niyang lumaban hanggang nalagpasan niya ito ng tuluyan.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Tinangayan man ng pera, hindi naman pinanghinaan ng loob si Pokwang upang magpatuloy at ngayon ay matagumpay nga niyang naitataguyod ang lahat ng kanyang negosyo at mas nakatutulong pa siya ngayon sa kapwa niyang negosyante.