Bagaman marami nang mga modernong laro ngayon dahil sa pag-usbong ng teknolohiya, wala pa ring kapalit ang mga klasikong larong Pilipino na talagang nakakatuwang laruin.

Hindi mo kailangan ng internet o anumang gadget dahil kahit ang isang pares ng tsinelas at walang laman na lata ng sardinas ay sapat na upang masiyahan ka sa paglalaro ng isa sa mga klasikong larong Pinoy na “Tumbang Preso”.
Maraming bata ngayon ang nawiwili sa paglalaro ng mga mobile game at online game dahilan kung bakit hindi na sila nakakapaglaro sa labas ng bahay.
Hinangaan nga ang anak ng aktres at komedyanteng si Pokwang na si Malia o tinatawag din sa kanyang palayaw na “Tisay” dahil bata pa lamang ay ipinakilala at tinuturuan siya ng kanyang mga magulang paano laruin ang isa sa mga klasikong larong Pinoy na “Tumbang Preso”.
View this post on Instagram
Sa video na inupload ni Pokwang sa kanyang Instagram account ay mapapanood ang kanyang tatlong taong gulang na anak na si Malia na naglalaro ng tumbang preso.
Maririnig sa video ang boses ni Pokwang na tinuturuan ang kanyang anak paano laruin ang tumbang preso.

Game na game naman si Malia sa paghagis ng kanyang tsinelas para patumbahin ang lata.
Sa unang paghagis ni Malia sa kanyang tsinelas ay hindi niya napatumba ang lata. Sa pangatlong beses nga ay hindi na niya natiis at lumapit na siya sa lata.
Imbes na tumbang preso ay tila na uwi sa paggo-golf ang paglalaro ni Malia. Nilapitan nga ni Malia ang lata at itinumba ito.

Caption ni Pokwang sa video, “hoy tisay @malia_obrian tumbang preso ang laro hindi golf!!! Hahahhahahahaaa kaloka ka!!!”
Maraming netizens naman ang natuwa matapos mapanood si Malia na naglalaro ng tumbang preso.

“Nice mamang maipalaro sa kanya mga laro natin noon mga bata ngayon more on sa gadgets”
“Ang cuute mo malia yan ang dapat ito pa din ang mga larong pinoy”
“Tumbang preso in the city…bibihira ang nanay na magtuturo ng ganito sa anak…sa panahon ngayon puru ipad, phone na hawak ng mga bata ngayon. Kakahanga ka talaga nanay. Palibre ng litchon.Ngek.”

Nitong January 18 lamang ay nagdiwang si Malia ng kanyang ika-3 taong kaarawan.
Si Malia Francine ay anak ni Pokwang sa kanyang partner na si Lee O’brian.