Kahit na’y kilala na sa ibang larangan, patuloy pa rin sa pag-eexplore ang “Popstar Royalty” na si Sarah Geronimo sa iba’t-ibang mga bagay. Ngayon na break muna siya sa showbiz at wala pang pinaghahandaang concert, mas marami siyang bakanteng oras hanggang nadiskubre nga niya ang hilig niya sa pagbe-bake.
Credit: @matteog Instagram
Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sarah Geronimo? Mula sa pag-arte, pagsayaw, pagkanta, at pagkakaroon ng malalaki at bigating concerts ay hindi talaga kailanman naging bago sa pandinig ng karamihan ang kanyang pangalan sa nabanggit na mga larangan ngunit hindi lamang dito nali-limit ang kakayahan ni Sarah dahil ngayon, kina-career na rin niya ang pagiging isang pastry chef!
Simula nang nagkaroon ng p@ndemya, kadalasan lamang na nasa bahay si Sarah kasama ang kanyang asawa na si Matteo Guidicelli. Imbes na ma-bored, pinili ng popstar na i-redirect ang kanyang atensyon hanggang sinubukan nga niya ang pagbe-bake ng iba’t-ibang cake at pastries.
Credit: @matteog Instagram
Bilang isang proud na asawa, palagi namang ibinabahagi ni Matteo ang mga larawan at videos na kuha niya sa bawat pastries na bine-bake ni Sarah katulad na lamang ng blueberry cheesecake, strawberry shortcake, Japanese Soufflé, at marami pang iba.
Dahil sa hilig ni Sarah sa pagbe-bake, napagdesisyunan niya na mag-enrol sa isang culinary school upang iimprove pa ang kanyang skills. Todo naman ang support ni Matteo sa desisyong ito ng asawa.
Sa katunayan, kaka-gradweyt lamang ng popstar mula sa Henny Sison Culinary School sa kursong baking and pastry.
Credit: @matteog Instagram
Sa Instagram, muling nagbahagi ng “life update” si Matteo kung saan ay masaya niyang ibinalita sa kanilang fans at followers na graduate na si Sarah sa pinapasukang culinary school kalakip ng mga larawan nila kung saan ay makikita si Sarah na nakasuot ng puting uniporme. Kasama rin ng mag-asawa ang nakababatang kapatid ng aktor na si Paolo Guidicelli na proud-looking din sa achievement ng aktres-singer.
Sa caption ni Matteo, mababasa ang, “Super proud of you my love!! Officially graduated from baking school!! CONGRATULATIONS! Yesssss “chef sarah” it is!!”
Credit: @matteog Instagram
Ibinida rin ni Matteo ang diploma ng asawa na siyang reward ni Sarah matapos ang mahaba-habang panahon na pag-aaral niya sa nasabing culinary school.