Prank ni Ellen Adarna sa fiancé na si Derek Ramsay, naghatid ng katatawanan sa netizens

Walang magsasawa sa mga video nina Ellen Adarna at Derek Ramsay dahil punong-puno ito ng katatawanan na talaga namang magpapagaan sa mabibigat na damdamin ng kanilang fans.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Simula nang inanunsyo nina Ellen at Derek ang kanilang romantic relationship sa publiko, palagi na silang sinusubaybayan ng netizens. Hindi lamang dahil sa kilig na hatid nila dahil inaabangan din ng kanilang fans ang katatawanang mangyayari kapag sila’y nagsasama.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Maaalala nito lamang Biyernes, October 8 nang nagbahagi ng vlog sina Ellen at Derek sa kanilang YouTube channel kung saan ay mapapanood kung paano plinlano ni Derek na i-prank ang fianceé sa pamamagitan ng pagpapanggap na nag-aaway ang aktor at ang mga kaibigang vloggers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, ngunit nabigo si Derek nang walang kahit anong reaskyon si Ellen tungkol dito.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Bilang paghihiganti, hindi pinalagpas ni Ellen ang pagkakataong ma-prank si Derek. Sa pinakabagong post ng aktres sa Instagram, mapapanood sa ibinahaging video ni Ellen kung paano nagulat si Derek nang bigla na lamang siyang dinalhan ng aktres ng daga.

“His life flashed before his eyes 👀🐁,” sulat ni Ellen sa kanyang caption.

Habang niyayakap ang anak ni Ellen na si Elias Modesto, biglang lumapit ang aktres kay Derek na may dalang laruang daga dahilan kung bakit ganoon na lamang ang gulat na naramdaman ng aktor.

Lingid sa kaalaman niyang isa lamang laruang daga ang bitbit ni Ellen, kaagad na umusog si Derek sa inuupuang sofa habang pinoprotektahan si Elias Modesto.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Satisfied sa gulat na reaksyon ni Derek, labis na lamang na natawa si Ellen dahil sa wakas, matagumpay niyang na-prank ang fiancé.

Mukhang hindi lamang si Ellen ang natuwa sa naging reaksyon ng fiancé dahil patok din sa netizens ang ginawa niyang prank. Maliban dito, marami rin ang naka-appreciate sa paraan ng pagprotekta ni Derek kay Elias Modesto kahit na’y siya mismo ay nagulat sa laruang daga ni Ellen.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Hindi naman nakatakas sa pansin ng netizens ang katotohanang bawat araw ay unti-unti nang ibinubunyag ni Ellen at Derek ang kani-kanilang kinakakatakutang mga bagay o hayop.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Martes, October 12 nang muling nag-viral ang couple dahil sa ginawa nilang prenup sho0t kung saan ay umani sila ng mga papuri galing sa kapwa celebrities at netizens dahil sa pagiging “steamy” at “h0t” nila.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Hindi man inansunyo ang napiling araw para sa kanilang kasal, marami naman ang nakakasigurado na magiging puno ng katatawan at good vibes ang pagsasama nina Derek at Ellen kapag naging ganap ng mag-asawa dahil pareho silang mahilig sa pranks at biruan.