Tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ng komedyanteng si Wilma Doesnt sa kanyang long time boyfriend na si Gerick Parin. At gaya ng nakasanayan, ibinida rin ni Wilma sa social media ang sweet prenup photos nila ng kanyang fiancé.
Credit: @doesntwilma Instagram
Sa kanyang Instagram post, hindi na naitago ni Wilma ang kanyang kaligayahan dahil 15 taon din daw siyang naghintay para lang magkaroon sila ng magagandang litrato ni Gerick kung saan hindi umano siya ‘basa’.
“Happy friday!!!!oh diba!!!finally!!!may maganda na kaming picture together na hindi ako basa!!!may mailalagay na ako sa wallet ko!!!15yrs ang hinintay ko para sa pic na ito noh!!!!!” sabi ni Wilma sa caption ng kanyang post.
Lumabas naman ang pagiging komedyante ni Wilma nang pasalamatan niya ang mga taong tumulong sa kanila para maisagawa ang prenup shoot nila ni Gerick sa Camp Dagos Daraitan sa Tanay, Rizal.
Mensahe ni Wilma sa photographer nilang si Chuckie Jude Samonte Zabella, “Salamat sa walang sawa mong pagpapa-akyat sa akin sa mga bato.”
Credit: @doesntwilma Instagram
Biro niya, “model ako ha, hindi rock climber!!!!”
Para sa kanilang videographer na Forevermine Wedding Films, “feeling nya ung mga bato ay patag para patakbuhin kami ng naka paa!!”
Nagpasalamat din si Wilma sa kanilang stylist, make-up artist, at hairstylist.
“Stylist-Omar Sali na sana ang gusto nmin ni bebelub ay simple at shorts lang..but no!!!ikaw na ang nag decision kya wala kami choice!! Make up artist-Ray Bien Gonzaga Maglonzo salamat sa napaka raming chika at konting make up!!!!waaaaa Hairstylist-@keigh dones salamat sa patubig mo sa buhok ko!! Coordination-@momentsbyruffa salamat sa pinadala mo masaya sila at nakatulog ng maayos!!!! Location-CAMP AGOS Daraitan salamat sa napaka warm welcome ninyo sa aming grupo!!!” ani Wilma.
Credit: @doesntwilma Instagram
Samantala, mainit namang pinag-usapan ng netizens ang prenup photos nina Wilma at Gerick matapos magsilabasan ang mga artikulong may headline na “Wilma Doesnt shares prenup photos”.
Dahil kasi sa apelyido ni Wilma kaya nagmumukhang ayaw niyang ibahagi ang kanilang prenup photos.
Kaya naman umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa netizens sa social media.
Mayroong netizen na pabirong nagkomento ng, “Ang damot naman, ayaw mag-share.”
Credit: @doesntwilma Instagram
Wala namang ibinahaging detalye si Wilma kung kailan magaganap ang kasal nila ni Gerick.
Matatandaang 13 taon ding naging nobyo ni Wilma ang kanyang fiancé bago siya nito inalok ng kasal noong July 10, 2021.