Prenup video nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, umani ng maraming papuri mula sa netizens

Mukhang nalalapit na nga ang kasal ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Matapos kasi ang kanilang trending engagement noong nakaraang buwan, inilabas naman nina Jessy at Luis ang kanilang prenuptial video.

Credit: Jessy Mendiola YouTube     

Linggo, January 24, ini-release ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang napakagandang prenup video nila ni Luis.

Kinunan pa mula sa Amanpulo, isang exclusive at luxury resort na matatagpuan sa isla ng Palawan ang prenup video ng newly-engaged couple.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Makikita sa prenup ang ilan sa mga sweet moments nina Jessy at Luis habang ini-enjoy nila ang mala-kristal sa linaw na tubig at white sand ng beach resort.

Maririnig din sa background ang kanta ng British singer na si Hrvy o Harvey Leigh Cantwell na “Baby, I Love Your Way” na perfect para bilang wedding song.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Ramdam na ramdam sa kanilang prenup video ang matamis at malalim na pagmamahalan nina Jessy at Luis.

Highlight din sa prenup video ng celebrity couple ang napakaganda at mamahaling diamond engagement ring ni Jessy.

Ang prenup video nina Jessy at Luis ay kinunan ni Bob Nicolas, isang kilalang videographer. October 2020 pa nangyari ang engagement nina Jessy at Luis ngunit noon lamang December 12, 2020 nila ito ibinahagi sa publiko.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Idinaan ng celebrity couple ang kanilang engagement announcement sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang larawan kung saan makikita si Luis na hawak ang kamay ni Jessy na mayroong suot na diamond ring.

Matatandaan na unang inanunsyo nina Jessy at Luis ang kanilang relasyon noong 2016. At sa loob ng 4 na taon nilang pagsasama ay maraming intriga at isyu silang pinagdaanan at hinarap ng magkasama.

Marami ang humahanga kina Jessy at Luis dahil nalampasan nila ang mga pagsubok na kalakip ng kanilang relasyon.

Credit: Jessy Mendiola YouTube

Samantala, pinuri naman ng maraming netizens ang prenup video nina Jessy at Luis. Komento ng netizens:

“It’s so beautifully done, encapsulating the true love that exists in and protects your relationship which has been attacked in all sides from the get-go. CONGRATZ from Toronto, Canada.”

Credit: Jessy Mendiola YouTube

“The true meaning of strong relationship dumaan sa sobrang pagsubok but still sila parin congrats to the both of you.”

“Bob Nicolas nailed it! One of the best if not the bestest prenuptial video I’ve ever seen! The beach, the sunset, the waves crashing, the music and the beautiful couple in this video all sync in & unite to make this sooo perfect God Bless Howhows We all can”t wait for that big special day #JessGotLucky”

Credit: Jessy Mendiola YouTube

“Wow ganda ng prenup niyo Jessy. Sobrang relaxing and calming. Congratulations!”

“So happy for you Luis and Jessy! Your prenup is very beautiful! May the good Lord bless your union!”