Proposal prank ni Jake Cuenca sa kasintahang si Kylie Verzosa, mainit na pinag-usapan sa social media!

Kabilang sa pinakamainit at sinusundang celebrity couple ngayon ang magkasintahang Jake Cuenca at beauty queen-turned-actress Kylie Verzosa. At mula nang kumpirmahin niya ang kanilang relasyon noong nakaraang 2019, maraming tao ang nagtatanong kay Jake kung mayroon ba siyang plano na pakasalan si Kylie.

Credit: @juancarloscuenca Instagram

Ibinunyag din niya sa isang panayam noon na kung siya umano ang papipiliin ay sigurado na siya na si Kylie ang kanyang papakasalan.

Credit: @juancarloscuenca Instagram

Kaya naman umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang ginawang proposal prank ni Jake kay Kylie nang magbakasyon sila sa El Nido, Palawan.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jake ang isang video kung saan ay makikita ang isang romantic dinner setup sa resort kung saan sila kasalukuyang nananatili sa El Nido.

Credit: @juancarloscuenca Instagram

Makikita naman si Kylie na naghihintay sa gitna. Sa background ng video, maririnig ang boses ni Jake na tila may mahalagang itatanong kay Kylie. Pinabitin pa ni Jake ang kanyang tanong para kay Kylie.

“So, I prepared this because I just wanted to ask you one thing. So here it goes…” saad ni Jake sa video.

Halata naman sa reaksyon ni Kylie ang gulat at “kilig” habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Jake.

Kung iyong papanoorin ang video ay talagang iisipin mong magpo-propose na nga ang aktor. Kaya naman maraming netizens ang nadismaya dahil imbes na “Will You Marry Me?” ang bibitawang mga kataga ni Jake ay ibang tanong ang nasambit nito kay Kylie.

Credit: @juancarloscuenca Instagram

Tanong ni Jake kay Kylie, “Kumain ka na ba?”

Base sa ekspresyon ng mukha ni Kylie ay mukhang hindi niya inaasahan ang naging tanong ng kanyang nobyo.

Matapos kasing bitawan ni Jake ang tanong ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ng beauty queen.

Sa isang banda ay napasimangot si Kylie ngunit kalaunan ay sabay silang bumunghalit ng tawa ni Jake.

Credit: @juancarloscuenca Instagram

Bagaman maraming tao ang naaliw sa proposal prank ni Jake, maraming mga netizen, lalo na ang mga kababaihan, ang nagkomento na ang ginawa umano ni Jake ay isang ‘masamang biro’.

Komento pa ng isang netizen, “For most ladies, that was a bad joke. Don’t do that again please!”

Samantala, tumugon naman si Jake sa nasabing komento at sinabing hindi umano sila tulad ng ‘karamihan’. Sinabi rin ni Jake na kung darating ang tamang oras ay hindi siya mag-aalangan na tanungin ang beauty queen ng kasal.

Credit: @juancarloscuenca Instagram

At upang ipagtanggol ang nobyo, nilinaw ni Kylie na sa simula pa lamang ay alam na niya ang itatanong ni Jake.

Ani Kylie, “Hello guys! I knew that Jake was going to ask me this question before filming. No feelings or humans were hurt while filming this video hehe, peace and love.”

Dagdag ni Kylie, “Jake has been the best boyfriend to me.”