Proud dad si Philmar Alipayo sa ipinakita ang tapang ng anak na si Lilo nang tumayo ito sa surfboard at kalmadong sinalubong ang sea waves

Ang Pilipinas ay kilala bilang tahanan ng mga talentadong Pinoy. Kahit anumang larangan ay talaga namang nage-excel ang mga Pilipino. Isa na lamang sa mga talentadong Pilipino na ito ay si Philmar Alipayo, isang professional at mahusay na surfer.

Credit: @chepoxz Instagram

Tila ba’y isa ng mabuting kaibigan ni Philmar ang karagatan dahil bawat wave nito ay sinasalubong niya ng walang takot. Dahil sa kanyang husay at galing sa piling larangan ay itinanghal siyang Surfing Champ, ang kauna-unahang pinoy sa history.

Credit: @chepoxz Instagram

Bukod dito ay nanatiling mapagkumbaba si Philmar sa kabila ng tagumpay na nakamit sa buhay. Dahil sa kanyang karisma sa bawat pagsu-surfboard ay hindi naman kataka-takang nabighani niya ang puso ni Andi.

Credit: @chepoxz Instagram

Ngayo’y mag-fiance at may maliit ng pamilya si Philmar at former actress na si Andi Eignenmann at kasalukuyang naninirahan sa payapang lugar ng Siargao. Nakahiligan na rin ni Philmar at Andi na mag-explore sa kalikasan kasama ang mga anak. Mapa-bukid man o dagat ay hindi ito pinapalagpas ng pamilya kung saan ay makikita sa Instagram ni Andi ang mga larawan na kanyang ibinabahagi tungkol sa kanilang mga outing sa iba’t-ibang bahagi ng Siargao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Dahil sa pagkahumaling ni Philmar sa dagat at ang pagsakay sa bawat waves gamit ang surfboard ay talaga namang mamamana ito ng kanyang mga anak.

Credit: @chepoxz Instagram

Sa Instagram ng professional surfer ay halata na kung sino sa kanyang mga anak ang magmamana sa kanya pagdating sa surfboarding. Sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Philmar ang video clip kung saan makikitang nakasakay siya sa kanyang surfboard kasama ang kanyang one-year-old na babaeng anak na si Lilo.

Credit: @chepoxz Instagram

Sa ibinahaging video ng surfing champ ay makikita kung gaano katapang si Lilo nang tumayo ito sa surfboard habang minamaniubra naman ng kanyang Dad ang sinasakyan nilang surfboard at masayang sinasalubong ang maliliit at kalmadong waves.

Credit: @chepoxz Instagram

“So proud of you my brave little girl @liloislandgirl already standing up on her own,” sabi ni Philmar sa nasabing post.

Dahil sa ibinahaging video ni Philmar sa kanyang Instagram ay maraming netizens ang humanga sa kanyang anak at umani ng maraming komento.

Credit: @chepoxz Instagram

“A NATURAL”

“Wow Lilo!!!!”

Maaalala noong nakaraang taon kung saan ay 10 months old pa lamang si Lilo ay sumakay ito sa surfboard kasama ang kanyang Daddy Philmar sa unang pagkakataon.

Credit: @chepoxz Instagram

Hindi naman maitatanggi ang tapang na ipinakita ng isang taong gulang na si Lilo nang sinalubong nila ng kanyang ama ang kalmadong sea waves. Ilang taon magmula ngayon ay hindi na kataka-taka kung si Lilo talaga ang magmamana sa kanyang professional surfer na Dad.