Puspusang pageensayo ni Sarah Geronimo para sa nalalapit na concert, umani ng maraming papuri mula sa mga netizen!

Isa si Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo sa mga Pinoy na mayroong world class talent pagdating sa pagkanta at pagsasayaw.

Credit: VIVA TV YouTube

Ngayong darating na March 27 ay ipapamalas muli ni Sarah ang kanyang world class talent sa entablado sa kanyang digital concert na “Tala: The Film Concert”.

May patikim naman si Sarah at ang Viva Entertainment production sa aabangan ng mga manonood sa kanyang darating na digital concert.

Credit: VIVA TV YouTube

Sa isang video na ibinahagi ng Viva Entertainment sa kanilang YouTube channel ay papanood ang puspusang pag-eensayo ni Sarah.

Todo-ensayo nga si Sarah para sa kanyang nalalapit na concert kasama ang dance group na “G-Force”.

Credit: VIVA TV YouTube

Excited naman ang mga tagahanga ni Sarah dahil hindi lamang OPM music ang kanyang kakantahin at sasayawin kundi maging K-pop song din.

Credit: VIVA TV YouTube

Mapapanood sa viral rehearsal video ni Sarah ang kanyang pag-eensayo at paghataw kasama ang G-Force sa hit-single ng multi-awarded South Korean boy band group na BTS o Bangtan Boys na “Dyn@mite”.

Libu-libong mga netizens ang pumuri kay Sarah dahil sa kanyang kamangha-manghang husay sa pagsasayaw. Komento ng netizens:

“Thanks Ms. Sarah for including Dyn@mite song in your Tala concert. We love you from Army 😊😘😘 BTS fan😊”

“Wow amazing💗💗💗”

“💯👏👏 awesome and amazing the one and only Sarah G”

“Wow, can’t wait Bebe Sarah ❤️😍👏🙏… Congratulations IN advanced 👏🎉🙌❤️”

Credit: VIVA TV YouTube

“Wow idol may bago ka na nmang concert.💕💕💕 God bless you.”

Talagang pinaghahandaan na ni Sarah ang kanyang darating na digital concert.

Samantala, sa nasabing video ay sinabi ni Sarah na nare-refresh siya tuwing nag-eensayo siya para sa kanyang mga concert.

Credit: VIVA TV YouTube

“Ito kasing mga ganitong klaseng proseso ‘no part kasi siya ng process ng isang concert…Everytime na natatapos ako mag-rehearsal parang nare-refresh ako. At saka mas nagiging passionate ako about may craft,” ani Sarah.

Ayon din kay Sarah, malaking impluwensiya ang G-Force dancers para maging matagumpay at pagbutihan pa niya ang kanyang performance.

Credit: VIVA TV YouTube

Aniya, “Working with G-Force, talagang it has always been intimidating kasi napakagagaling nila. But they are also very inspiring especially Teacher Georcelle. Actually, lahat bawat member ng G-Force. They always encourage me at saka push me to be better every time.”

Mapapanood naman ang film concert ni Sarah sa ktx.ph, sky cable, pay-per-view at iwantTFC.