Rabiya Mateo, hindi maiwasang ‘kiligin’ sa sweet message ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli para sa kanya!

Kilala ang mga Pinoy sa mundo ng beauty pageants. Mapa-local man o international beauty pageant, parating may pambato ang mga Pinoy. Isa naman ang Miss Universe beauty pageant sa mga inaabangan at talagang tinututukan ng mga Pinoy.

Credit: @rabiyamateo Instagram

At ngayong taon, pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ang Ilongga beauty na si Rabiya Mateo. Bago naman ang coronation day ay kanya-kanyang diskarte ang maraming beauty pageant enthusiast para ipaabot at iparamdam kay Rabiya ang kanilang 100% suporta.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Maging ang mga sikat at hinahangaan nating celebrity ay nagpaabot din ng kanilang taos-pusong suporta para kay Rabiya sa pagsabak nito sa Miss Universe 2021.

Kabilang dito ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na sa pamamagitan ng isang video ay ibinahagi ang kanilang mensahe para kay Rabiya.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Ipinost ni Rabiya sa kanyang Instagram ang sweet video message ng celebrity couple para sa kanya.

Ani Sarah sa video, “To our Miss Universe, Rabiya Mateo…Meet my husband Matteo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Idinagdag naman ni Matteo na ipinagdarasal nila si Rabiya sa paglaban nito sa Miss Universe. Pinasalamatan din ng Kapamilya hunk actor si Rabiya dahil ginagawa nito ang lahat ng kanyang makakaya para i-representa ang Pilipinas sa international pageant scene.

“We’re very proud of you. Whatever happens do it for the glory of God. God bless you. May God grant you wisdom and courage as you represent our country in the Miss Universe 2021 pageant,” ani Matteo.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Inihayag din ni Sarah na sobrang proud siya para kay Rabiya bilang ating pambato sa Miss Universe. Payo pa ni Sarah kay Rabiya na kahit ano man ang mangyari ay gawin nito ang lahat para sa Panginoon.

Ani ng Popstar Princess, “We’re very proud of you. Whatever happens do it for the glory of God. God bless you.”

Dagdag pa niya, “May God grant you wisdom and courage as you represent our country in the Miss Universe 2021 pageant.”

Credit: @rabiyamateo Instagram

Samantala, ‘kinilig’ naman si Rabiya sa sweet message ng celebrity couple para sa kanya. Ang hindi alam ng marami, tagahanga ni Sarah si Rabiya kaya naman sobrang kinilig siya sa mensahe nito para sa kanya.

“Someone is ‘kinikilig’ right now. Awww, my popstar ❤. I love you, @justsarahg,” caption ni Rabiya sa kanyang Instagram post.

Noong May 16 lamang ginanap ang Miss Universe 2021 sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida kung saan kinoronahan bilang “Miss Universe 2021” ang pambato ng Mexico na si Andrea Meza.

Credit: @rabiyamateo Instagram

Bigo mang naiuwi ni Rabiya ang prestihiyosong pageant title ay proud pa rin ang sambayanang Pilipino sa kanya.

Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines si Rabiya noong October 2020.