Rachelle Ann Go, ipinasilip ang masaya at makulay niyang pamumuhay sa London bilang isang first-time mom!

Ngayong taon, marami sa mga hinahangaan nating personalidad sa TV ang naging isang ganap na ina. Kabilang dito ang broadway diva na si Rachelle Ann Go na nagsilang ng isang malusog na baby boy noong Marso sa London, United Kingdom.

Credit: @gorachelleann Instagram

Ipinanganak ni Rachelle ang unang anak nila ng asawang si Martin Spies na si Baby Lukas Judah. Sa kabila naman ng hamon ng pagiging isang first-time mom, makikita sa mga ibinahaging litrato ni Rachelle Ann sa Instagram na nag-eenjoy siya sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Kamakailan lamang ay ipinasilip ni Rachelle Ann ang masayang selebrasyon nilang magpamilya sa ika-4 na buwang kaarawan ni Baby Lukas Judah.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rachelle Ann ang ilang masasayang litrato nila ni Baby Lukas Judah kuha mula sa kanilang ‘mini-celebration’ na ginanap lamang sa kanilang tahanan sa London.

Credit: @gorachelleann Instagram

Sa isang litrato, makikita sina Rachelle Ann at Baby Lukas Judah na sweet na sweet habang nakatingin sa isang rainbow mula sa conservatory-dining area ng kanilang bahay.

Makikita naman sa mga sumunod na litrato na kasama nina Rachelle Ann ang lolo’t lola ni Martin na aniya, galing pang Amerika.

Credit: @gorachelleann Instagram

Sa caption, ibinahagi ni Rachelle Ann na sa edad na apat na buwang gulang ay nagsisimula nang ipakita ng kanilang anak ang karakter o personalidad nito.

“Lukas turned 4 months last week✨ Such a happy baby! He is showing us his character more and more everyday!” wika ni Rachelle Ann.

Kwento naman ni Rachelle Ann, excited siyang ipakita ang rainbow sa kanyang anak dahil para sa kanya tanda ito ng, “God’s promise, perfection, power and purpose.”

Bahagi pa niya, “We wanted a mini celebration with Lukas’ grandparents visiting from the States!🤍 As we were preparing for the boodle f!ght, it started pouring! I told everyone how rain makes me feel down(parang sa movie lang nakaka-senti😅), and that I wish to see a rainbow.”

“Just like that, the most vivid rainbow I’ve ever seen in my life had appeared. I got so excited for Lukas to see it—God’s promise, perfection, power and purpose. What does a rainbow mean to you?🌈 I cannot wait for him to see more of it and experience God’s creation!🙏🏽” dagdag niya.

Credit: @gorachelleann Instagram

Matatandaang ikinasal si Rachelle Ann kay Martin sa Boracay noong 2018. Si Martin ay isang American businessman.

At nagkakilala silang mag-asawa sa pamamagitan ng isang common friend. Sa isang panayam ay sinabi naman ni Martin na una silang nagkita ni Rachelle Ann sa isang simbahan.