Raffy Tulfo, pinayuhan ng kanyang doktor na magpahinga o tumigil na sa kanyang trabaho para sa kanyang kalusugan

Isa si Raffy Tulfo sa mga tinitingalang broadcast journalist at vlogger ngayon. Ang kanyang mga programa sa radyo man o telebisyon o kahit sa kanyang YouTube channel ay madalas maging sumbungan ng mga tao na nakakaranas o biktima ng hindi magandang pagtrato.

Credit: @raffytulfoinaction Instagram   

Ngunit kamakailan lamang ay inamin ni Raffy na pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna sa pagseserbisyo sa publiko o tumigil sa kanyang trabaho bilang isang public servant.

Sa isang artikulo na inilathala ng Inquirer.net, ibinunyag ni Raffy na napapadalas umano ang kanyang pagpunta sa mga doktor dulot ng nararamdamang stress mula sa kanyang trabaho.

Pag-amin ni Raffy, “I’ll be lying to everyone if I say I don’t get affected by my work. In fact, I’ve been seeing a lot of doctors lately. Most of them are telling me that my work contributes to the stress I’m feeling. I agree with them.”

Credit: @raffytulfoinaction Instagram

Naniniwala naman si Raffy na maayos niyang nama-manage ang stress na nakukuha niya mula sa kanyang trabaho dahil umano mahal niya ang kanyang mga ginagawa.

Aniya, “It’s because I love my job. If you love it and are passionate about it, you will feel good no matter how complicated or difficult the challenges you face every day are. I believe this lowers the stress level too.

“You enjoy playing it even if you know your body will be aching all over once you’re done with the game. You continue doing it because, in your mind, you know that you’re enjoying it ,” dagdag pa ni Raffy.

Credit: @raffytulfoinaction Instagram

Ikinwenento pa ni Raffy na marami umano siyang natatanggap na pambabatikos mula sa kanyang mga basher. Gayunpaman, alam niya na hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga basher dahil sa uri ng kanyang trabaho.

Kwento ni Raffy, “They get angry with me because they don’t agree with my opinion on particular issues or they don’t like how I’m tackling the case they’re involved in. I’m used to dealing with them —they’re part of the job.”

Credit: @raffytulfoinaction Instagram

Sa kabila naman ng nakukuha niyang stress sa kanyang trabaho na maaaring may epekto sa kanyang kalusugan, masaya umano si Raffy sa kanyang ginagawang pagseserbisyo sa mga tao.

Saad ni Raffy, “My cardiologist, who was able to watch the show, told me that this might have an effect on my heart later on. I said this is the only job I know that also makes me happy.”

Credit: @raffytulfoinaction Instagram

Dagdag niya, “I’m into public service to share my blessings. It feels good to be able to receive help, but it’s more fulfilling if you’re the one giving it.”

Sa ngayon, ay patuloy na dumadami ang mga subscriber ni Raffy sa kanyang YouTube channel na “Raffy Tulfo in Action”.