Rayver Cruz, ipinasilip ang naipundar niyang bahay na inialay niya sa kanyang yumaong ina

Isa si Rayver Cruz sa mga hinahangaang artista ngayon sa telebisyon. Bata pa lamang ay ipinamalas na ni Rayver sa lahat ang kanyang husay sa pag-arte.

Tumatak din si Rayver sa puso ng mga manonood dahil sa kanyang husay sa pagsasayaw. Sa katunayan, tinagurian si Rayver bilang hari ng dance floor dahil sa kanyang mga swabe at pulidong dance move.

Credit: Rayver Cruz Instagram    

Bukod pa rito, magaling din si Rayver sa pagho-host. Masasabing isang multi-talented actor si Rayver at kung may number 1 fan naman siya tiyak ito ang kanyang ina na sa kasamaang palad ay yumao noong 2019.

Gayunpaman, hindi nabigo si Rayver na ipagmalaki ng kanyang mga magulang dahil patuloy pa rin siyang nagsisikap na maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Credit: Rayver Cruz Instagram

Isa sa mga bagong natamo ni Rayver na tiyak na ipagmamalaki ng kanyang magulang ay ang pagpapatayo niya ng kanyang sariling bahay.

Nakapagpundar na nga si Rayver ng kanyang sariling bahay na inialay naman niya sa kanyang yumaong ina.

Credit: Rayver Cruz Instagram

Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Rayver ang kanyang bagong naipatayong bahay na katas ng kanyang pagsisikap bilang isang artista.

Bata pa lamang si Rayver nang pinasok niya ang mundo ng show business kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit siya nakapagpundar ng isang malaki at napakagandang bahay.

Makikita sa mga litrato na ibinahagi ni Rayver na moderno ang napili niyang maging desenyo ng kanyang bahay.

Credit: Rayver Cruz Instagram

“‘Tis the season to be jolly, “ caption ni Rayver sa kanyang Instagram post.

Sinabi naman ni Rayver sa kanyang Instagram post na inialay niya sa kanyang yumaong ina ang bahay.

Ani Rayver, “this is for you mama I miss you so much.”

Samantala, tuwang-tuwa at sobrang proud naman ang TV actor-dancer na si Rodjun Cruz sa kanyang nakababatang kapatid dahil sa panibagong tagumpay na nakamit nito.

Credit: Rayver Cruz Instagram

“Sobrang saya ko para sayo bro @rayvercruz!😍🎉 Proud na proud kaming lahat sa iyo at sigurado ako na mas lalo sila Mama at Papa in Heaven.☝🏻🙏🏻 Deserve mo lahat ng blessings na dumadating sa Buhay mo at alam kong Tuloy Tuloy at mas madaming blessings pa ang darating sa iyo, Dahil bukod sa Napakasipag mo ay napakabuti mong tao. I Love you King.👑🙌🏻,” pahayag ni Rodjun sa isang Instagram post.

Bumaha rin ang pagbati para kay Rayver mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz.

Ani Mark Herras, “Ayeeeeee sir yes sir!! Mismo kaya Ikaw ang King namin eh”

Credit: Rayver Cruz Instagram

Saad ni Edgar Allan Guzman, “Nice one!! Nice house ah! Grats brodie!!”

Sabi ni Ken Chan, “Etooo na ngaaa @rayvercruz Woohoo!!!! Congratulations Ver! Papunta na ako dyan teka lang!”