Reaksyon ni Andi Eigenmann nang malamang umut0t ang fiancè na si Philmar Alipayo, naghatid ng katatawanan sa maraming netizens!

Marami ang na-iinspire sa pagsasama ng soon-to-be-married couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Credit: @chepoxz Instagram

Si Andi, isang dating aktres, ay piniling iwan ang kanyang makinang at marangyang buhay bilang isang artista nang makilala niya si Philmar na isang mahusay na surfer mula sa surfing capital ng Pilipinas na Siargao.

Pinagtagpo marahil ng kanilang hilig sa dagat o pagsi-surf sina Andi at Philmar. At sa kabila ng hindi maikakailang pagkakaiba ng kanilang buhay noon ay pinatunayan nila sa lahat na kaya nilang mamuhay ng masaya at kuntento sa isla kasama ang kanilang mga anak.

Credit: @chepoxz Instagram

Samantala, kahit hindi na umaarte si Andi sa mga teleserye at pelikula, ay patuloy pa ring sinusundan ng marami ang kanyang buhay na tila isa itong magandang palabas sa telebisyon.

Naging daan naman ang social media lalong-lalo na ang pagpasok ni Andi sa mundo ng pagba-vlog para kahit papaano ay maging updated ang kanyang mga tagahanga sa kanyang buhay ngayon sa Siargao kasama ang kanyang lumalaking pamilya.

Kamakailan nga ay nag-viral ang video ni Andi kung saan kuhang-kuha sa kamera ang kanyang nakakaaliw na reaksyon nang umut0t sa kanyang tabi ang kanyang fiancè na si Philmar.

Credit: @chepoxz Instagram

Mapapanood sa isang kumakalat ngayon na maikling video clip ang naging reaksyon ni Andi pagkatapos umut0t ni Philmar. Sa video ay nagulat at tawang-tawa nga si Andi dahil sa biglaang pag-ut0t ni Philmar. Kinumpirma pa ni Andi kung totoo nga bang umut0t si Philmar.

Aniya, “Mahal! (sabay palo sa balikat ni Philmar) Did you fart?”

Credit: @chepoxz Instagram

Aliw na aliw naman ang maraming netizens sa ipinakitang reaksyon ni Andi sa nasabing video. Komento pa ng netizens, nagpapatunay lamang umano ang nakakaaliw na reaksyon ni Andi sa pag-ut0t ni Philmar na komportable silang dalawa sa isa’t isa at kahit maamoy nila ang ut0t ng isa’t isa ay idinadaan na lamang nila sa tawa ang kanilang reaksyon.

Credit: @chepoxz Instagram

Matatandaang na-engage sina Andi at Philmar Disyembre noong nakaraang taon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na mayroon nang dalawang anak sina Andi at Philmar na sina Lilo at baby Koa, at kasama rin nilang naninirahan ngayon sa Siargao ang panganay na anak ni Andi na si Ellie.