May mga tao talaga na hindi lamang nali-limit sa iisang larangan ang kanilang husay at galing katulad na lamang ni Vico Sotto na mahusay na nga sa pamamahala bilang Mayor ng Pasig City, commendable rin ang kanyang social skills dahil sa na-eestablish niyang connection sa netizens.
Credit: @coneyreyes Instagram
Matatandaan nito lamang nang nauso ang pagre-rate ng mga pagkain dahil sa pangunguna ni Pasig Mayor Vico Sotto. Sa kanyang pagpo-post sa Instagram Stories bilang katuwaan, kaagad naman itong pumatok, kinaaliwan, at ginaya ng netizens.
Bilang isang self-proclaimed na food blogger, binibigyan ni Mayor Vico ng scores ang kanyang mga kinakain pati na rin ang entry ng netizens na nakikisabay na rin sa kanyang sinimulang trend.
Credit: @coneyreyes Instagram
Hindi lamang sa usapang politics nag-eexcel si Mayor Vico dahil approved din sa publiko lalong-lalo na sa mga kabataan ang kanyang magaan na personality at corny na jokes. Kung noong una ay siya ang pasimuno ng kalokohan, siya naman ngayon ang puntirya ng karamihan dahil sa kanyang expression nang ipinagdiwang ng kanyang pamilya ang kanyang birthday.
Biyernes, June 17 nang tumungtong sa ika-33 taon si Mayor Vico. Sa espesyal na araw niyang ito, may sweet at nakaka-touch na mensahe para sa kanya ang kanyang Mommy Coney Reyes kalakip ng ibinahagi nitong mga larawan kuha sa celebration ng karaawan ng politiko.
Sa pinakaunang larawan, makikita na magkahalo ang pagkatamlay at pagkaseryoso ni Mayor Vico habang nakapamewang at nakatingin sa kanyang cakes. Dahil sa expression niya, hindi napigilan ng netizens na matawa at maaliw. Iilan pa nga sa kanila ay nagpahayag ng nakaka-good vibes na sarkastikong mga komento.
Credit: @coneyreyes Instagram
“@vicosotto parang di ka masaya sa cake, di po ba 10/10? Haha”
“Happy Birthday Mayor @vicosotto ! Kahit muntik ka na magmukhang pagod pogi ka padin.😂🫀”
“Ang saya nang mukha ni birthday boy @vicosotto 😂😂😂”
“Antok na antok ka na ba, Mayor @vicosotto?”
Credit: @coneyreyes Instagram
“Happy Birthday Mayor Vico! Mukhang pagod ka na.”
Dahil sa kanyang sinimulang food blogging, marami ang umaasang bibigyan at ibabahagi niya ang scores sa bawat pagkaing inihanda sa selebrasyon ng kanyang birthday.